Ashley's POV
Naglalakad ako patungong CR ng biglang tumunog cellphone ko at tiningnan ko kung sino yung tumatawag
' ashton liki '
Agad ko naman itong sinagot , naguusap lang kami ni ashton. Tinanong niya kung nasan ako atsaka sinabi kong nasa mall. Pag nasa mall na'ko alam niya na talaga ang gagawin namin dito. Gagawa kami ng eskandalo , trip namin e. Bigla niya naman ako pinagalitan punyeta ayan na naman mang sesermon na naman siya sakin keso 'wag daw' 'baka mapahamak ka '
Napaka paranoid talaga e!Tinanong ko siya kung kumain na ba siya ng lunch , baka kasi nagpapalipas na naman 'to at nakalimutan kumain atsaka tama nga hinala ko di pa nga talaga siya kumakain ng lunch
Pinilit ko siyang kumain na, nung una ayaw niya pa pero agad rin naman siyang pumayag. Good dog!
Naguusap lang kami ni ashton ng may mabangga akong pader este tao pala! agad naman akong napabagsak sa sahig , aray! Nauna pwet ko sa pagkakabagsak ang sakit hayup!
Binabaan ko muna si ashton atsaka tiningnan yung lalaking nakabangga ko! Aywow 0_0 ang gwapo ni kuya ah! Pero mas gwapo asawa ko noh! Siya lang pinakagwapo sa mga mata ko!
"Hoy lalaki! Ano tutunganga ka lang diyan?! Di mo ko tutulungan? Ha?! " sigaw ko sakanya hayup kasi di man lang ako tulungan tumayo!
"Why would I?" Cold niyang sabi habang tinitigan ako
"Aba! Wag kang umeengles ha! Napaka gentledog mo!" Saad ko naman tsaka ako tumayo . Wala talaga siyang plano tulungan akong tumayo e!
"Tsk! Such a stupid girl " Tangina?! Englesero 'tong nakabangga ko. Talo ako dito 😭 Ambobo ko sa engles e!
" Anong stupid ha?! Di ka ba marunong magsorry?! " Sigaw ko sakanya! Wala akong pake kung mabingi siya. Siya naman may kasalanan e di tumitingin sa dinadaanan.
"To tell you miss , First? It's not my fault cause in the first place , ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaan mo dahil busy ka sa kausap mo sa phone. Psh stupid " Aba siraulo nagtatagalog rin naman pala e
"A-aba! shut up! May kasalanan karin noh! Kung alam mo naman pala na busy ako sa kausap ko sa phone edi sana umiwas ka nalang sakin tsk stupid jerk " Kala mo sakin ha? Matalino ata to 😌 except sa engles bobo talaga ako dun
"Tsk , waste of time tabi ka nga diyan!" Saad niya tsaka ako tinulak para tumabi sa dadaanan niya.
"Aba gago! Hoy siraulo humingi ka ng sorry! Hoooy! " sigaw ko dahil sa malayo narin yung lalaking englesero sakin.
"Bwisit na buhay to" saad ko tsaka pinagpagan pwetan ko nang marinig ko sigaw ni bakla
"Ashleeeeey!" Sigaw ni nathan sa malayo atsaka lumapit sakin. Kung maka sigaw 'tong bakla nato palsakan ko bote bunganga niya e!
" oh? Kung makasigaw kang bakla ka!" sigaw ko naman pabalik sakanya
" E kasi 'tong asawa mo napaka paranoid! Oh eto kausapin mo stress niyo na peslalu ko ha! " sabi naman ni nathan tsaka nag flip hair kala mo naman mahaba hair niya. Agad niya naman binigay yung phone niya sakin atsaka pinakausap sakin yung asawa kong si ashton ayiee asawa? Kakilig ang sarap pakinggan
"Oh ashton? Bakit?" Tanong ko sakanya sa kabilang linya
" Hays , salamat naman walang nangyare sayo kala ko na pano ka na e, binabaan mo kasi ako! Ano ba nangyare?" Alalang saad niya naman e enebe nag aalala asawa ko kakilig 😍
Sinabi ko naman sakanya yung nangyari na may nakabunggo lang ako. Agad ko naman din siyang tinanong kung nakakain na ba siya. Hays, kahit kailan talaga tong si ashton ang tigas ng ulo sarap basagin e noh? De'joke lang
BINABASA MO ANG
My Gentle Maniac Husband
RomanceAshley's dream is quite simple, ang makatuluyan ang kaniyang ultimate crush na si Ashton Miguel Cleighton, kilala bilang isa sa tagapagmana ng isang sikat na kompanya sa buong mundo. But unexpected day comes, nagkaroon ng pinakamalaking problema ang...