Chapter 5 : Gay bestfriend

5.1K 89 0
                                    

Ashley's POV

- Pagkatapos akong pagtripan ng gagong si Ashton, naisipan kong umalis muna ng bahay at pumunta sa condo ng aking kaibigan na bakla.

Nasa harap na ako ng condo niya at akmang itatype na sana yung binigay niyang password sa akin nang may lumabas na babae. Bigla akong napatingin sa napakagandang babae na kulang nalang pakainin siya ng mansanas para katulad na katulad niya na si Snow White sa sobrang kaputian. She have a beautiful eyes, shiny hair,pointed nose, and cute cheeks.

"I'll assume na ikaw yung childhood friend  ni Nathaniel based on what he  describes you to me." nakangiting saad nito.

"Ako nga po. " nahihiyang tango ko sakanya. Nagtataka talaga ako kung sino 'to? Ay baka isa to sa mga fans ni bakla? Pero hindi rin! Ang ganda eh, ang swerte naman ata ni bakla dito kung nagkataon.

" Ang cute mo namang bata iha" nang gigigil nitong saad. Warafak? Ako? bata?! Pigilan niyo 'ko baka masabunutan ko'to ng wala sa oras! Aba't pandak lang ako't hindi bata!

" Kinulang lang po ako sa height pero hindi na po ako bata hahaha" natatawang saad ko sakanya.

Napatingin kami pareho sa kakalabas lang na si Nathan or should I say Nathalie.

Napanganga ako nang makita ko ang biyayang pinagkaloob sakanya ng diyos, ang angking kagwapuhan niya. When you look at him, hindi mo talaga agad masasabing  bakla siya. Nasa kanya na lahat ng mga katangiang gugustuhin ng mga babae. Ang buhok niya na parang si Daniel Padilla, ang pointed na ilong niya, ang mga mata niya na nangaakit sa sobrang ganda, ang makinis niyang mukha na walang nakatanim na mga tigyawat, ang kissable lips niyang mapula at yung height niya na mala Terrence Romeo. Saan ka pa diba? Kung hindi ko lang minahal si Ashton noong highschool pa kami siguro kay bakla ako nagkagusto, ang gwapo kasi eh! Pero mas gwapo parin asawa ko. Ang daming babaeng nagkakandarapa  kay bakla noon at pati narin ngayon pero ang hindi nila alam, mas babae pa pala 'tong kumilos kesa sakanila.

Napabalikwas ako nang biglang tapikin ni bakla ang balikat ko.
" Hey Ashley?  Ang gwapo ko ba talaga para titigan mo ng ganyan? Baka mamaya matunaw na ako sa sobrang lagkit ng tingin mo saiin." mayabang nitong sabi. May nakalimutan pala akong sabihin tungkol sa kanya. Mayabang din siyang bakla, ang sarap lang upakan.

" Para ka kasing libro."  giit ko naman.

Nasabi ko na ba? Matagal ng bakla si Nathan simula pa noong nasa elementary palang kami. Si Kylie at ako lang ang pinagsabihan niya tungkol sa tunay niyang pagkatao kaya samin niya lamang pinapakita at nilalabas ang tunay niyang anyo. Matagal tagal na rin kaming magkakaibigan simula pa noong mga elementary students pa kami kaya marami narin kaming pinagdaanan. Ang saya saya nga namin noong dumating sila Audrey at Arianne sa buhay namin tatlo eh. Kung noon inaakala namin na tatlo lang kaming  sabay sabay na tatanda ngayon lima na kami. Lima na kaming magkakasama at sabay sabay tatanda. Because we are forever bestfriends.

Umaarte si bakla na isang tunay na lalaki kapag ibang tao ang kaharap niya. Sa katunayan niyan may cover girlfriend nga siya and guess who? Walang iba kundi si Arianne, matagal na kasing gusto ni Arianne si bakla simula pa noong highschool pa kami. Kagaya nga ng sabi ko, walang ibang nakakaalam na bakla si Nathan kundi kami lang ni Kylie kaya buong akala ni Arianne lalaki talaga si bakla. Nagulat nga kami ni Kylie nang sabihin ni Arianne kay bakla yung feelings niya para sakanya. Dahil sa kabaliwan ni Nathan,  niligawan niya si Arianne para gamitin siyang cover girl at pagtakpan ang kaniyang tunay na pagkatao. Kung kami kasi ni kylie ang tatanungin, hindi talaga kami payag sa relasyon nila. Masasaktan lang kasi si Arianne kapag malaman niya yung totoo at mahihirapan lang si Nathan sa mga pinagagawa niya kaya bilang kaibigan niya pinayuhan namin siyang itigil na ang relasyon niya kay Arianne. Sinabi ni bakla samin na plano niya sanang  gamiting cover girl si Arianne for 1 week at hihiwalayan niya na ito pagkatapos pero hindi pumayag si Arianne kaya hindi nalang din siya nakipaghiwalay. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya magawang hiniwalayan si Arianne. May posibilidad naman ata na mahilin rin ni bakla si Arianne. Hays, umaasa ako na sana mabago ni Arianne si bakla.

My Gentle Maniac HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon