Chapter Five

8.2K 156 4
                                    

"Anong winish mo?"

Nginitian niya ito. "Aba! Sikretong malupit iyon. Hindi ko pwedeng sabihin, hindi magkakatotoo. Ikaw naman!" Tumabi siya upang makapwesto ang lalaki sa harap ng statue ng Goddess of Mercy.

Nasa Thean Hou Temple sa Robson Heights sila noon. Isa iyon sa pinakamalaking Chinese Temple sa Malaysia, katunayan sa buong SE Asia. Dito sila dumiretso pagkatapos nilang pumunta sa Perdana Botanical Gardens kung saan binisita nila ang Orchid Garden, Deer Park, Bird Park, Butterfly Park at Hibiscus Garden.

Kanina ay nagpapicture siya sa binata sa Iphone 5 nito sa statue ng mga twelve animals na representation sa Chinese Astrology. Hindi na sila nakapasok sa loob dahil sarado na iyon. Nanghinayang siya dahil hindi siya nakapili ng joss stick.

Iyon yung pagkatapos mong magpray sa Buddha at mga goddess ay kukuha ka ng joss stick at may nakasulat doon tungkol sa mga sayings or fortune na maaaring makaapekto sa buhay mo. Kaya kinareer na lang nila ang pagpapapicture sa labas.

Pauwi na sila ng mapatapat siya sa estatwa ni Goddess of Mercy kung saan maghahagis ka ng pera at kailangang bumagsak iyon sa may paanan nito at hindi sa ibaba ng tinutuntungan nito. Kung nashoot mo ang barya sa may paanan, pwede ka nang humiling.

Pinatos niya dahil wala namang mawawala. Isa pa, iginagalang niya ang bawat belief at traditions ng mga iba't ibang relihiyon at since nandoon sila dapat silang makisabay.

"So, anong wish mo?" Ulit niya sa tanong nito kanina.

Natatawa nitong pinisil ang ilong niya. "Syempre, sikreto din!"

"Daya!" Humalukipkip siya kunyari at natatawa siyang pinicturan ng lalaki kaya natawa na rin siya.

Halos isang linggo na rin silang lumilibot sa KL. Kung saan-saan sila pumupunta, nandiyang pumunta sila sa indoor amusement park sa Berjaya Times Square, maglibot-libot sa KL pati na magpa-foot massage.

And there was really no boring day with him. They're two strangers who suddenly found friendship with each other. Sa araw-araw ay nakikilala niya ng lubos si Moises. Nalalaman niya ang mga ayaw at gusto nito.

"You know, kung hindi kita kasama, hindi ko pupuntahan ang mga pinuntahan natin. Baka nakaalis na rin ako at tumuloy sa Singapore."

Natigil siya sa pagtawa. "Talaga?"

Tumango ito. "Nahihila mo ako kung saan-saan. At totoong nag-eenjoy ako."

"Feeling ko nga masyado kang seryoso. Naisip ko nga na minsan ka lang ngumingiti o tumatawa. You seemed so tight. Para bang pasan mo dati ang mundo."

Minsan kapag hindi nito alam na nakatingin siya, natitigilan ang lalaki. And something akin to sadness will cross his face. Na para bang nagwiwidthraw na naman ito sa mundo. Na para bang may napakalaki itong problema.

Tipid itong ngumiti. "I had too. But honest, I really enjoy your company. Katulad ng sabi ko noon sa'yo, pati pag-aaway natin, nakakapagpatawa sa akin."

Ngumiti din siya. "I enjoy too. Okay ka palang kasama. Hindi pa rin ako nakakapag-thank you."

"For?"

"Nung sa bar. Kung hindi dahil sa'yo ay nagkaproblema siguro ako ng malaki dun sa British na saksakan ng kulit."

"Happy to be of service." Wika nito.

"Talaga lang? Eh ang sungit at yabang mo nga eh."

"Lagi mo kasi akong inaaway."

Nagkatawanan sila. It's really fun to be with this man.

Moises' Miracle (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon