"Hey!" Napasigaw siya ng tumilamsik sa kaniya ang tubig mula sa kalsada. Kauulan lang at basa pa ang daan. Kung mamalasin ka nga naman, bulong niya sa isip. Puti ang suot niya kaya nagmantsa agad doon ang tubig-ulan.
"Bakit ba kasi ngayon pa ang coding ng sasakyan ko?" Naniningkit ang mata niya sa kotseng dumaan.
Nakita niyang pumasok ang sasakyan sa vicinity ng ospital. Mabilis siyang naglakad palapit kahit isang kanto rin ang layo ng lalakarin niya. Tumakbo na rin siya upang maabutan niya ang driver nito.
Makakarinig ito sa kaniya. Wala siyang pakialam kung ano ang dahilan nito pero hindi niya palalampasin ang nangyari. Hindi siya ang tipo ng tao na pababayaan na lang na may gustong sumagasa sa kaniya.
Hinahapo siyang tumigil nang makapasok sa vicinity ng ospital. Mabilis niyang inilibot ang paningin sa carpark. Swerte na nagpapark pa lang ito, marahil ay nahirapang makakuha ng pwesto dahil puno halos ang parking space.
Kahit habol pa niya ang paghinga ay muli siyang tumakbo. Nasa loob pa ang driver nang makalapit siya. Inis niyang kinatok ang bintana ng kotse, tinted iyon kaya hindi niya makita ang loob.
Napaatras siya ng bumukas ang pinto. Loko ang driver na ito, balak pa yatang ihampas ang pinto sa'kin, dagdag niya sa isip. Tatalakan sana niya ang driver pero parang nalulon niya ang anumang sasabihin.
Nganga siya. Totoong tao ba ito?
He's about 6'3 - 6'4 in height, all man and muscled. Obvious sa suot nitong red na t-shirt, nagsusumigaw ang malapad nitong balikat at dibdib, with a lean waist and muscled thigh encased in blue maong pants. Pupusta siyang may six pack ang lalaki.
He was so handsome, movie star handsome. Pupusta rin siyang marami itong fans club, batang babae, dalagita, dalaga, bading na in denial, bading na nagpapanggap na dalaga, may asawa, biyuda, matrona o lola. Parang copy cat ni Lee Min Ho. Napakurap siya ng pumitik ito sa harap ng mukha niya.
"Yes, miss? Do I know you? Kindly move since I don't have time." Saka ito humakbang na wari ay balak siyang lagpasan.
Automatiko siyang humarang sa daraanan nito. Kumunot ang noo ng lalaki at randam niyang nakatitig ito sa kaniya kahit natatakpan ng itim na Rayban ang mga mata nito.
"What's your problem? Bakit ka humaharang sa daraanan ko?" Humakbang ito pero muli lang siyang humarang sa daraanan nito.
Inis nitong inalis ang suot na salamin. He glared at her.
Total heart failure.
Nanginginig ang mga tuhod niya. She wanted to swoon. Pakiramdam niya'y hihimatayin siya anumang sandali.
Lalong natuyo ang lalamunan niya at hindi siya makahagilap ng sasabihin. Napaka-unfair ng mundo. Bakit kailangan niyang matulala dito? At sa mga panahon pang ito.
"Miss, you're wasting my time. Get out of my way!" Wari ay nagtitimpi na ito ng galit sa kaniya pero mataas na ang boses nito.
Doon siya natauhan. Sinisigawan na kasi siya ng lalaki. Bumalik ang lahat ng tapang niya. Kung makapagtaas naman ito ng boses, akala mong pag-aari siya nito. Doon niya naalalang muntik na siyang sagasaan nito at ito ang salarin kung bakit ang dumi ng damit niya.
"Hoy, mister! Ang yabang mo ah! Hinaharang kita dahil muntik mo na akong sagasaan. Pakiramdam mo yata pag-aari mo ang kalsada!" Hindi lang iyon ang ipinagpuputok ng butse niya.
"Dahil lang naman sa kaskaserong pagdadrive mo, napaatras ako sa may lubak na dinaanan ng kotse mo. Tignan mo ang itsura ko, nanlilimahid ang suot ko! Kasalanan mo ito!" Sinabayan niya ang pagtaas ng boses nito.
BINABASA MO ANG
Moises' Miracle (Published under Precious Hearts Romances)
Romans"You're life itself, Hannah. Para kang isang napakaningning na bituin na nagbibigay-liwanag sa daigdig ko." Ikakasal na si Hannah sa kanyang fiancé na si Michael. Pero hindi natuloy ang kasal dahil nalaman niyang pinaglalaruan lang siya ni Michael...