"Still happy?"
Nilingon niya si Moises na yumakap sa beywang niya. Isinandal niya ang likod dito habang itinukod naman nito sa balikat niya ang baba nito.
"Very much happy," buong pagmamahal niyang sagot.
"I love you, Mrs. Carrillo. Happy tenth anniversary. Thank you for giving me the best ten years of my life." Bulong nito.
Umikot siya paharap dito at ikinawit niya ang kamay sa leeg nito. "I love you too, Mr. Carrillo."
"Me too, love ko rin si daddy at mommy!"
Natatawa niyang nilingon ang nagsalita. Niyakap niya ang apat na taon na panganay na anak na yumakap din sa kanila.
"Oo naman, anak, love ka namin ni mommy!" Si Moises ang sumagot at ginulo ang buhok ng junior nito.
"Me too! Me too!" Parang punong inakyat ni Faith Meadow ang ama. Ito ang dalawa't kalahating taon na anak nila.
Inabot ni Moises ang bata. "Ang kukulit ng babies natin. Manang-mana sa ina." Saka siya kinindatan nito.
Itinaas niya ang noo at tumawa. "Of course!"
Tumawa si Moises at inentertain na nito ang pangungulit ng mga bata. Nakatitig lang siya sa mga ito. She was more than blessed. At lubos-lubos ang pasasalamat niya sa Diyos para sa lahat.
Hindi niya akalaing sa kabila ng lahat ng nangyari ay posible ang ganitong klase ng kaligayahan. Everything happens for a reason indeed. Kung hindi pa siya sinaktan ni Michael ay hindi niya makikilala si Moises.
Speaking of Michael, ang huli niyang narinig dito noong unang mga taon na ikinasal siya'y binalikan nito si Irish. Masaya siya't binigyan nito ng buong pamilya ang anak nito. Pagkatapos noon ay wala na siyang naging balita sa mga ito.
Pero napakahirap sa kaniya ng mga unang taon ng pagsasama nila ni Moises. Hindi madali noong gumising sa bawat umaga dahil kaakibat noon ang takot na iiwanan na siya ng asawa. Pero mas nananaig ang pag-ibig at kaligayahan sa puso niya.
She doesn't know then how long their love is going to defy death. But like what she promised to him, they're living one day at a time. Sa unang halos apat na taon, sinusulit lang nila ang bawat araw ng magkasama, nagtuturo siya habang si Moises naman ay bumalik sa pag-iiskultor.
Ang latest major gallery show nito ay tungkol sa kasal nila. It was mostly her replica in glasses and woods wearing her wedding dress. That show was a success. Napakaraming nag-abang sa pagbabalik ni Moises sa mundo ng paglililok.
The genius was indeed back home.
Sa ika-apat na taon naman ng kasal nila, nakakuha si Moises ng heart donor. Sumailalim ito sa napakaraming test at cross-referencing. Iyon na ang pinakanakakatakot na sandali ng buhay niya.
Hindi nila alam kung magiging matagumpay ang operasyon. Pero may awa ang Diyos. Naging matagumpay iyon. At simula ng sumailalim ito sa heart transplant, sa awa ng Diyos ay wala iyong kumplikasyon, maayos ang naging kalusugan nito. At patuloy pa rin naman ang pagmomonitor dito ng mommy niya para lang makasigurado na tuloy-tuloy na ang paggaling nito.
Isang taon pagkatapos ng heart transplant, nagdesisyon silang magka-anak. At bago niya ipagbuntis ang panganay nila, sumailalim sila sa genetic counseling. At bilang mga magulang, patuloy lang ang pananalig nila sa Diyos na hindi mamamana ng mga ito ang sakit ni Moises.
And that's having faith each and everyday. Together.
BINABASA MO ANG
Moises' Miracle (Published under Precious Hearts Romances)
Romance"You're life itself, Hannah. Para kang isang napakaningning na bituin na nagbibigay-liwanag sa daigdig ko." Ikakasal na si Hannah sa kanyang fiancé na si Michael. Pero hindi natuloy ang kasal dahil nalaman niyang pinaglalaruan lang siya ni Michael...