"Hannah!"
Gulat siyang nag-angat ng tingin. Kanina pa siya tulala sa Wendy's sa Makati. Hinihintay niya si Fibby dahil pinilit siya nitong niyaya na manood ng sine tatlong araw pagkatapos niyang ipagtapat dito ang nangyari. Nagkataon lang na naipit ito sa traffic kaya solo flight pa rin siya.
"Michael!" Ito ang pinakahuling taong iniisip niyang makikita niya ngayon. Nakalimutan na nga niya ito. Nabanggit lang ni Fibby at ng mommy niya na gusto pa rin siya nitong makausap. Pero kahit papaano'y may hiya naman ito dahil umalis ito sa dapat ay magiging bahay nila. Wala na siyang interes doon kaya ibinenta na lang niya.
"Pwede bang makiupo?" Nananantyang tanong nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit?" Nababagot siya pero hindi na siya naiinis dito dahil wala na sa kaniya ang ginawa nito. "May gana ka pang kausapin ako."
Huminga ng malalim si Michael at umupo ito sa tapat niya. "Please, Hannah. Kausapin mo naman ako."
"Ano pa bang magagawa ko eh nakaupo ka na? So, magstart ka na. Baka dumating na si Fibby at may lakad pa kami." Tinatamad niyang wika dito.
Pilit itong ngumiti. "Look, Hannah. I'm really sorry. Hindi ko dapat iyon ginawa sa'yo. Alam kong galit ka at nasaktan kita."
Kumunot ang noo siya. "Hindi ako galit, Michael."
Nagulat ito at napatitig sa kaniya na para bang hindi makapaniwala. "H-hindi ka galit?"
"Look at me. Mukha ba akong nagjojoke?"
"P-pero sinaktan kita at hindi mo ako gustong kausapin."
"Michael, yap, nasaktan mo ako sa panloloko mo. Pero tapos na iyon, nalimutan ko na at hindi ko na gustong balikan. Wala na rin tayong dapat pang pag-usapan. Hindi na ako galit. Honestly, wala na akong pakialam."
"Ganoon lang kadali mo akong nakalimutan? Wala ka na ring pakialam. Hindi mo na ba ako mahal?" May pagdaramdam sa tono nito.
Lalong kumunot ang noo niya. "Honestly again, Michael, hindi ko alam kung bakit itinatanong mo iyan. Pero nagpapasalamat pa nga ako dahil sa nangyari ay namulat ako sa totoong damdamin ko sa'yo.
"Aaminin kong nasaktan ako noong una dahil sa panloloko mo at laking pagsisisi ko siguro kong nakasal ako sa'yo. But when I left the country, I was able to think thoroughly and assess my emotions.
"Akala ko'y mahal kita pero hindi pala. I was just in love with the idea of being in love. Isa pa, ikaw ang una kong boyfriend at napakatyaga mo akong niligawan sa halos ilang buwan kaya akala ko ay napakalalim ng damdamin ko sa'yo pero hindi pala."
"You met someone." Wika nito pagkaraan, may pang-uusig sa tono nito.
She smirked. "Wow! Ikaw pa ang may karapatang mang-usig niyan! Wala ka ng pakialam kung totoo man iyon. But I realized that I didn't really love you at all. Katulad lang na hindi mo rin ako mahal."
"Mahal kita, Hannah."
Bagot siyang ngumiti. "Talaga lang ha? Mahal mo ako pero may asawa ka na at anak na itinira mo pa sa sana'y bahay natin."
Huminga ito ng malalim. "Nagsisisi ako at nasaktan kita pero hindi ko magawang lumayo sa'yo kaya kahit mali ay itinago ko ang totoo kong estado. Kaibigan ko si Irish pero may nangyari sa amin at nabuntis ko siya.
"Pinilit ako ng tatay niya na pakasalan siya kaya wala na akong nagawa. After how many months, I met you. Gustong-gusto kita kaya niligawan kita at habang nakikilala kita ay minamahal kita. Pagmamahal na hindi ko naramdaman kay Irish."
BINABASA MO ANG
Moises' Miracle (Published under Precious Hearts Romances)
Romance"You're life itself, Hannah. Para kang isang napakaningning na bituin na nagbibigay-liwanag sa daigdig ko." Ikakasal na si Hannah sa kanyang fiancé na si Michael. Pero hindi natuloy ang kasal dahil nalaman niyang pinaglalaruan lang siya ni Michael...