03 | three

20.9K 928 836
                                    

⚢

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Walang tao."

Thank you for that wonderful statement, Rayne, but it was painfully obvious so no thanks. Wala ngang tao pagkalabas nila ng CR (pinagbuksan sila ng maintenance crew a few minutes ago). Madilim na venue lang ang sumalubong, nakaligpit na ang mga upuan pati na rin ang stage.

"Nasaan sila?" tanong ni Rayne sa sarili.

At nagulat nang may sumagot sa kanyang may malalim na boses, matangkad na pigura, at kanina pa niya kasama na si Kaye.

"Kasasabi lang ni Tying na kailangan nilang i-clear 'yong buong area, even locked the door para wala nang makapag-CR. Pinalabas talaga nilang wala na ako dito."

"Iba ka rin, 'no? Hindi ba dapat may mga bouncer ka or something?"

Natawa si Kaye. "Medyo katangahan 'yong nangyari. Akala ko ayos na sa paglalakad kaso mali ako ng calculation."

"Tapos wild pa 'yong mga fans."

"Medyo."

"Medyo? Hindi ba parang halos sirain na 'yong pinto ng CR para lang makita ka?! Muntik na talaga akong sumigaw ng run for your life sa sobrang scary shit!"

"Mala-zombie apocalypse?"

"Kapag ganun pa naman nangyari, hindi na lang ako tatakbo. Magpapaka-zombie na lang din ako."

"Oh, bakit naman?"

"Ang hirap kayang mag-survive nang may takot na any moment, kakainin ka. Kung zombie na ako, eh 'di undead ako tapos makakakain pa ako ng utak ng tao. Yummy!"

Tumawa si Kaye. Magsasalita sana ito, for a comeback, kaso natigilan si Rayne sa nakita – o hindi nakita kahit sa labas mismo ng Le Chandelle venue.

"Nawawala mga kasama ko." Nanlaki ang mata ni Rayne. "Oh, shit. Wala akong dalang phone. Wala akong pera!"

"Sorry," ani Kaye. "This is all my fault."

Napailing si Rayne at tumawa na lang. "Kagandahan ko lang pala dala ko ngayon, shet."

Tumawa si Kaye. "Gusto ko 'yan."

"Pero seryoso, wala akong dalang kahit ano."

Ang masama pa rito, gabi na.

Isa pa, wala siyang kaalam-alam sa lugar na 'to. Nasa Pinas pa ba siya?!

Isa pa ulit, mabilis siyang maligaw! Paano na 'yan?!

Sabi ni universe, tapos na raw ang maswerteng parte ng gabi ni Rayne kaya kailangan na niyang malasin nang bonggang-bongg—

"Gusto mo bang tawagan mga kaibigan mo? Gamit phone ko?"

Muntik nang may lumiwanag sa likod ni Kaye at may kumanta ng korderrrooo ng Diyooss kaso nawala rin agad sa na-realize ni Rayne.

"Hindi ko kabisado numbers nila."

Love Songs for No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon