⚢
Ang ilang reyalidad talaga sa buhay ay maaaring pumasok sa kategoryang fantasy. (Hindi dahil walang katotohanan, okay? Pero. . .) Ito ang mga reyalidad na sa sobrang sandali lang, parang hindi na totoo. Sa sobrang siksik ng mga ganap at tila nakulong sa isang happy bubble, puputok ito bigla. Ang katahimikang naririnig, maglalaho. Mag-iingay ang paligid. Gagalaw at mawawala ang maliit na mundo.
Ito ang nangyari kay Rayne.
Malay niya kay Kaye.
Ngumiti si Rayne at yumuko bago pumasok sa Ministop. Isang indikasyon ng pagpapaalam. (Bakit pa patatagalin, maghihiwalay rin naman?) Pagkapasok, tahimik ang lahat pwera sa babaeng may katawagan sa phone na nasa may counter, maingay ang boses.
"Ba't kayo naglasing?" anito, naghihintay ng mga binili. "Anong hindi lasing? Naririnig mo ba sarili mo, Dos? Asheyashiya na sinasabi mo! Wait, kumakanta ba ng leron-leron sinta si Dondon?" Natahimik "Isa pa, ba't niyo ako iniwan? Ako na si Vans? Ako na maganda? Ako dapat ang kino-console niyo about sa summa cum laude kong tatay, eh!"
Pansin ni Rayne ang nangingiting babae sa cashier, mukhang natatawa doon sa babaeng tinawag ang sarili na Vans.
"Wala akong paki kung wala kang date—"
Nawala ang ingay nang lumabas na ito. Nagkangitian si Rayne at ang babaeng crew sa cashier.
Ginusto tuloy ni Rayne hatakin ang babae kaninang si Vans para magkwento sa kagandahan nito. At gusto rin niya malaman kung anong mayroon sa summa cum laude nitong tatay. Mas gusto niya ng ingay kaysa ganito. Kailangan niyang maaliw.
Ang sakit ng katahimikan, masyado ata siyang nasanay sa boses niya at ni Kaye na nag-uusap ng kung anu-ano lang.
Hay, Rayne. Move on na.
Dumiretso siya sa mga ref, gusto na lang niyang pumasok sa loob at doon manirahan para mahimasmasan na sa kahibangan. Kumuha siya ng bote ng tubig saka lang niya na-realize na wala nga pala siyang dalang pera o cellphone o kahit ano man lang for survival purposes.
Napasandal siya sa pinto ng ref.
Paano siya makakauwi? Nasa 5YNCO bar pa kaya ang mga kaibigan niya? O makiki-text na lang siya? Makikitawag siguro sa telepono ng store para mapa-grab car siya ng Mama niya mula rito papuntang bahay?
Ano ba kasing iniisip niya't hindi pa siya sumama kanila Xanne at MJ kanina?!
Ah, bahala na.
(Pero, ugh, nalulugmok talaga siya.)
Ibabalik na sana niya ang bote ng tubig nang biglang may humawak nito. Napabitaw siya bigla dahil halos nahawakan din ang kamay niya. Dahil sa mabilis na reflex, nasiko niya agad ang halos nakahawak ng kamay niya – only to see her.
Kaye freaking Cal behind.
Nakahawak ito sa tadyang, hinihimas. Mukhang nasaktan.
Napakurap si Rayne. Totoo ba? Hallucination?
BINABASA MO ANG
Love Songs for No One
Roman d'amour"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hindi kalahati lang. Hindi sala sa lamig, sala sa init. Hindi napipilitan. Hindi natatakot." "Malalim," aniya. Tumikhim. "Mukhang based o...