⚢
"Ayos lang kaya 'yon. . ." bulong ni Rayne sa sarili.
Kinakabahan siya sa mga babae sa Mcdo. Hindi naman nakahawak sa mga cellphone ang mga ito, pero. . . napadasal na lang siya na sana walang kahit anong remembrance. Sana?
"Ayos lang ang alin?"
"Ah, wala. Wala."
"May binubulong ka na namang kung ano." Pumalatak si Kaye, mapagbirong umiling. "Baka ginagayuma mo na ako n'yan, ah."
"Hala?" Nanlaki ang mata ni Rayne. "Paano mo nalaman?"
"Nafi-feel ko na ata."
Tawanan.
Diretso ang dalawa sa paglalakad, walang patutunguhan, tuloy-tuloy ang paghakbang sa gilid ng kalsada. Sarado na ang ilang establishments na nasa paligid ngunit gising na gising sila. Patuloy si Rayne sa pagkain ng ice cream.
"Sabi ko sa 'yo, fans mo talaga 'yon," sabi ni Kaye, tinutukoy ang mga babae sa Mcdo.
"Sa 'yo kaya," ani Rayne.
"Parehas lang sa atin. Nice, mayroon tayong mutual fans. Kailan kaya 'yong feelings?" Sabay tawa. "Char."
"Ewan ko sa 'yo," natatawang sabi ni Rayne "Wala akong fans, readers akin."
"Oo nga pala, readers nga pala sabi sa Facebook."
"Ang stalker mo talaga."
"Nag-research lang," nangingiti nitong ani. "Bakit mas pinipili mong readers instead of fans? 'Di ba parehas lang?"
Kinagat ni Rayne ang maliit na plastic spoon na kakasubo lang dahil sa ice cream. "Bakit ko naman sila tatawaging fans?"
"Dahil hinahangaan ka nila?" may halong pagtatakang sagot ni Kaye. "Ikaw ang idol nila?"
"Hmm." Subo muli ng ice cream. "Siguro dahil manunulat ako at hindi artista? Kaya imbis na fans, readers. Binabasa nila ako, eh—'yong sinusulat ko, 'yong nasa utak ko."
Tumango-tango si Kaye.
"Ikaw din naman, hindi mo tinatawag na fans ang fans mo. Team Kaye Cal ang tawag mo sa kanila."
"Ang weird kung tatawagin ko silang listeners."
Tawanan.
"Mas pamilya din ang dating," nakangiting ani Rayne. "Mas intimate. Sumali nga ako d'on, eh."
"Sa TKC?"
"Oo."
"Uy, bakit?" natatawang ani Kaye. "Gusto mong mas intimate tayo?"
"Muntik nang magkaroon ng malisya 'yan, ah," natatawang sabi ni Rayne.
"Wala ba?" tanong ni Kaye, saka ngumiti.
BINABASA MO ANG
Love Songs for No One
Romantik"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hindi kalahati lang. Hindi sala sa lamig, sala sa init. Hindi napipilitan. Hindi natatakot." "Malalim," aniya. Tumikhim. "Mukhang based o...