⚢
"White hair!"
Kumabog ang puso ni Rayne sa narinig.
Pero kunwari, hindi niya narinig. Nagpatuloy siya, kasama ang dalawang kaibigan, na nag-selfie sa taas ng stage. Tapos na ang major concert ni Kaye sa Music Museum, wala na rin si Kaye sa paligid. At dahil malakas ang trip ng tatlo, dumiretso sila sa stage at nag-selfie sa kung saan-saang sulok.
Ilang segundo lang, sinundan ng iba pang nasa concert venue ang pagpunta nila sa stage. Dumami na sila. Selfie dito, selfie doon.
Hindi natapos ang trip dahil lumapit pa sila sa banda para makapagpa-picture. Napapatingin talaga siya sa drummer. Paano, ang buhok ng lalaki ay spike hair-do na kulay sunset: nagsama-sama ang red, orange at yellow.
"Picture tayo, Kuya! Idol namin 'yang buhok mo," sabi pa ni MJ.
Tumawa ang drummer nang kantyawan ng mga kasamahan. Nag-pose pa nga silang lahat na nakaturo sa buhok ng drummer. Just because.
"White hair!"
Ayan na naman. May tumatawag na namang boses ng babae. Nilingon ni Rayne ang dalawang kaibigan, mukhang wala namang naririnig at tuloy pa rin sa pakikipag-selfie.
Ang ingay din kasi ng buong lugar sa dami ng tao sa stage, over-sensitive lang ata siya kapag sinisigaw ang white hair.
"Kuya Casey!"
Sabay-sabay lumingon sila Rayne, Xanne at MJ kahit obvious namang hindi sila si Kuya Casey. Eh, kasi, sa may parte nila sumigaw - at biglang napangiti si Rayne dahil nagliliyab na pulang buhok na may streaks na blue ang papalapit sa kanila na babae. Maliit, mga kasing tangkad ni MJ na 4'11.
Bago ito lumapit sa drummer na tinawag na Kuya Casey, nginitian ng babae si Rayne nang masilayan nito ang buhok niya.
(Ganito siguro talaga kapag nagkikita ang mga may colored hair, may silent ngitian, na para bang nagsasabihan ng, uy! parehas tayong weird, nice!)
"You were great!" ani ng babae. The more na tingnan ni Rayne ang dalawa, the more na naiisip niyang magkapatid dahil magkamukha. "Can we go home now?"
"Patience, my dear sister, Renz."
Magkapatid nga. Nalaman na niya ang mumunting impormasyong ito; kumpleto na ang buhay ni Rayne.
"White hair, hello!"
Kaba na naman.
"Girl." Natigil si MJ sa pakikipag-selfie at siniko si Rayne. "Ikaw ata 'yon."
Paglingon ni Rayne, may isa ring matandang puti ang buhok sa may unahan ang tumingin sa sumigaw.
"Ay, sorry ho, siya ho tinatawag ko," ani ng babae na nasa ibaba ng stage, tinuro si Rayne na naging dahilan para kabahan siya nang bonggang-bongga. Halos atakihin siya sa puso sa hindi malamang kadahilanan.
BINABASA MO ANG
Love Songs for No One
Romance"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hindi kalahati lang. Hindi sala sa lamig, sala sa init. Hindi napipilitan. Hindi natatakot." "Malalim," aniya. Tumikhim. "Mukhang based o...