⚢
Sino bang nilalang ang kakabahan dahil lang sa pagsakay sa shot gun seat, katabi ng driver? Si Rayne lang. Hindi naman sapilitan (medyo) kahit biglaan (sobra). Hindi rin naman siya kinidnap, (Pwera sa hindi na siya kid, willing victim naman Rayne. Hihi.) Wala ring baril na nakatutok sa ulo niya in case hindi siya pumasok sa loob ng kotse.
Paanong ang pagsakay lang sa kotse ni Kaye Cal ang pwedeng dahilan para mahimatay na ata si Rayne sa kaba? Pauwi na nga't lahat, hindi pa ba mabubuhay?
Kaya pa ba?
"Okay ka lang?"
Ang higpit ng hawak niya sa seatbelt. Hindi naman rollercoaster ang sinakyan.
"Oo. . ."
"Bakit parang takot na takot ka?"
Nakatingin lang sa harap na kalsada si Rayne, nakikita sa peripheral vision ang pagkabit ni Kaye ng sariling seatbelt.
"Hindi ako takot."
"Hindi ako kaskasero mag-drive," anito. "Slight."
"Hala?" Napalingon si Rayne kay Kaye.
"You're with me, bakit ko naman bibilisan? Kung pwede ngang nakahinto lang."
Lumingon si Rayne sa may bintana. At kahit gaano pa ka-cliché at gasgas, patago siyang ngumiti. Nakatakip ng ilang daliri ang pisngi.
"Alam mong nakikita kita sa reflection ng mirror, right?"
Natigil sa pagngiti si Rayne at nanlaki ang mata. Nilingon niya si Kaye.
"Sinong nakangiti?"
Ngumisi si Kaye. "Ako." Tsaka tumawa, ini-start ang makina ng kotse. "Saan tayo?"
Hindi mapigilan mamangha ni Rayne sa pagmaniobra ni Kaye sa kotse. Kung paano nito in-adjust ang kambyo para sa reverse. Kung paano ito tumingin sa rear-view mirror at side-mirror para i-check kung may tatamaan. Kung paanong isinuklay pa ng mahabang daliri ang kaunting buhok na tumakas mula sa pagkakatali at inilikod. Kung paano humarap ang upper body nito with her black suit and white sleeves underneath, pinatong ang braso sa sandalan at tumingin sa likod habang iniikot ang manibela. Kitang-kita ang suot na silver ring sa kaliwang kamay, ring finger. Hindi rin nakaligtas ang silver stud nito sa kaliwang tainga.
Nakatitig lang si Rayne kay Kaye.
Sobrang normal lang namang gawain nito sa mga nagda-drive pero bakit? Paulit-ulit na bakit, bakit, bakit sobrang na-a-attract siya kapag si Kaye ang gumagawa?
Bakit hindi na lang siya ma-attract sa jeepney driver para walang problema. Unrequited love lang siguro dahil siguradong may asawa na ang jeepney drivers. But at least, mas makatotohanan.
Kaysa dito.
Kaysa sa natitigan niya ang pagmamaneho ni Kaye.
Kaysa sa feeling na pagkalabas niya sa kotseng ito, puputok na naman 'yong bulang hindi naman niya hinihingi pero ibinibigay.
BINABASA MO ANG
Love Songs for No One
Romantizm"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hindi kalahati lang. Hindi sala sa lamig, sala sa init. Hindi napipilitan. Hindi natatakot." "Malalim," aniya. Tumikhim. "Mukhang based o...