Chapter Three: Fear On Me Part2-Jewelries

150 5 0
                                    


Zukie

.

.

"Hey you!!!" Bulyaw sakin ni Axie nang makita nya na akong papunta sa kanya. Problema nito. Bitbit ko rin ang mga binigay sakin ng matanda kanina. Hindi ko pa rin tiningnan ang laman nito pero nakakacurious. Para tuloy akong pusa. Gusto kong tingnan eh.

"What?" Cold kong tanong sa kanya. Galing lang ako sa suntukan kaya ganito ako. Ewan, para kasing feeling ko, may iba sa matanda kanina. Iniisip ko lang kung sino yun. Malay ko ba, baka kasi multo yun, pero ano bang care ko. Hmmpp.

"Where have you been you naughty kitty??" Tanong sakin ni Patok ng magkaharap kami. I gave him my devil glare that make him froze saka sya ngumiti at nagpeace sign. Hayss, ano bang masama sa titig kong iyon?? "Wala. Halika na sa loob. Kanina pa dumating yung tren." Sabi nya saka nya pinaghihila ang dalawa kong maleta. Pasensya na Patok, amo mo 'ko eh. "Namalengke ka ba muna? Bakit may dala kang plastic bag?" Pansin nya sa dala ko. Sinilip ko ang dala ko saka tumingin sa kanya. Naglalakad na kami papasok ng istasyon. Bago ako makapasok, hiningi sakin ng guard ang ERP ko, saka chineck ng Machine Checker ang seal ng passport ko, bago ako papasukin. Sosyal. Daig pa ang NAIA. May binibigay pang parang ID na may number na nakalagay. Para siguro toh sa tren na sasakyan namin. Ang nakalagay kasi sakin ay Z-48.

To tell you another information about Dauntless Station, masyado syang malayo sa maraming bahay at ibang gusali. Nag-iisa lang kasi itong nakatayo dito tapos napapaligiran pa ng mapunong lugar. Kanina nga habang nasa loob ako ng van, hindi pa ako nakakatulog nun, napansin ko ang daanan. Wala kaming nadaanan na kahit isang bahay o gusali. Ang weird nga eh. Feeling ko may kakaiba talaga sa Dauntless. Kaya naman mas lalo akong natithrill at naeexcite. Sus, bakit ako matatakot, naeexcite nga ako eh. Malay natin pangWatty ang dating ng Dauntless. Di rin talaga makapaniwalang may ganitong eskwelahan sa Pinas. Oo na, Pinas lang toh pero daig pa ata ang Harvard eh.

"Zu, ang tagal nyo naman. Nandyan na kaya yung tren. Ikaw na lang yata ang hinihintay eh. Ang tagal kasi." Nagmamaktol na sabi ni Shine. Tinitigan ko lang sya saka sya ngumiti at nagpeace sign. Sus, isa rin tong takot eh. Ewan ko lang kung bakit di sila nagsasawa sa ugali ko. Pero minsan naman, mabait ako eh. Sa kanila nga lang tsaka dun sa matanda. Ewan ko nga kung bakit ko tinulungan yung matanda kanina.

Nandito kami ngayon sa lobby ng istasyon. Napansin ko ang apat na naglalakihang screen na pinaliligiran ang buong area ng lobby. Nakasabit lang ang mga ito sa itaas at walang pinalalabas na advertisements na iba. Lahat ang nakasulat ang pangalan ng school, Dauntless Academy. Then bigla na lang gumalaw ang mga letra at pinalitan ng mukha ng isang babaeng braided ang buhok at ang kapal ng make up. Para syang kontrabidang reyna sa pelikula. For real, sino toh?? Pero honestly, maganda rin sya, pero mas maganda yung babae sa panaginip ko. And of course, mas maganda ako. And speaking of that woman, sino kaya yun??

'Welcome new comers of Dauntless Academy. New faculty staffs and students, goodmorning. I'am Margarita Aisle Daunzeia, the School Head Principal of Dauntless Academy. As you can see, everything undergoes lots of prosess before all of you were invited and been accepted by our school. Its because Dauntless Academy is a high class school but yet was unknown. Its not popular, but we asure you, everything in our school were worth for everyone who were worth for all of it. "Pagsisimula ng babae sa screen. Margarita daw ang pangalan nya eh at sya daw ang principal. Eh ano naman. Nagpatuloy lang sya sa pagsasalita hanggang sa magsawa ako sa pakikinig.

Then blah blah blah. Wala na akong maintindihan. Yung mga kasama ko naman, mga pagood student pangnalalaman. Ang seseryoso ng mukha habang nakikinig. Yung totoo, para silang matagal ng magkakakilala ng principal eh. Parang ang laki ng atraso sa kanila ng principal.

Cinderella: The Long Lost Crowned Vampire(HIATUS)(Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon