* Chapter 11 - I did give it a try

7 1 0
                                    

kain na naman ako ng kain.. hehehe. wala naman kasing magagawa dito sa bahay, kundi, kumain ng kumain ng kumain ng kumain. Kaya sabi tuloy nila, nataba daw ako (___.__") wala naman akong magawa,

MASARAP KUMAIN EH. hahaha.

hmm.. kinuha ko yung piece na idedeclame ko.. binasa ko lang ng paulit ulit. next week, friday ko na to ipeperform, para sa pre-christmas party namin.. pero mula nung makuha ko tong piece, hindi pa ako nagppractice ng actions.. yung boses lang. ewan ko ba, ayokong pina-practice yung piece ko. gusto ko sa stage na.. on the spot. kasi naman, kapag pinractice mo, magiging limited ang kilos mo sa stage, hindi magiging natural ang galaw mo. pano pag nalimutan mo yung action? edi titigil ka na? so ayun, yung voice lang yung pinapractice ko. ^___^\/

madaling lumipas ang mga araw mula nung magbreak kami ni Kobe. medyo nabawas bawasan na ang ilangan at tinginan sa room namin.. pero ganon padin eh, awkward padin. lagi na lang kami pinagtitinginan kapag nagkakalapit kami sa pila. lagi rin nila kaming tinitingnan kapag may nababanggit na about sa LOVE.

kung makareact naman sila parang ang tagal tagal naming mag dyowa. de naman.

haynako. ganu katagal pa kaya silang aasa na magkakabalikan kami ni Kobe?

kukuha na nga lang uli ako ng pringles. nasstress lang ako sa kakaisip sa kanila eh.

urgh ?! ubos ko na pala. -.-"

maghahalungkat na lang uli ako sa ref. hehehe.

Bigla naman dumating si mama at daddy. kasama si chuchay. san na naman kaya sila nang galing?

umupo sila dun sa sofa na hinigaan ko kanina.. buti natanggal ko na dun yung bote ng pringles kundi mapapagalitan ako kasi makalat. haha. ayaw kasi ng mama ko ng maraming dumi at kalat eh.

patuloy lang ako sa pagkakalkal sa ref.

"Zharri ano tong papel na to?"

owh. nakalimutan ko pala yung decla ko sa lamesa. tsk tsk.

"wala, yan yung piece na idedeclame ko."

atleast give it a try.

ooops. naalala ko yung sinabi ni cher John. hmm..

"ah, kelan to ?"

"sa Friday next week ma, nood kayo."

tumingin si mama sa cellphone niya, siguro tiningnan kung may schedule sya.

hay, sana naman oo.

"susubukan namin."

hmm.. siguro kaylangan kong makuntento sa sagot niya. Maybe that's better kesa sa hindi, diba?

DECLAMATION DAY. Hindi nasabi sakin nila mama kung makakapunta sila ngayon, kasi pag gising ko kanina, tulog pa sila..hanggang makaalis ako ng bahay. pre-christmas party na namin.

arte ng school namin no? may pre-christmas party pa.

ayaw kasi nila mag event ng whole day kasi masyado daw matrabaho. kaya ginawa nilang dalawa. this day yung presentations, tomorrow naman yung exchange gifts and games.

"now let's move to the presentations of the graduating students. First... we have Ms. Thea Marie Mariano for her special number. Let's give her a round of applause."

nakuu.. pagtapos ni Thea ako na eh.. tingin ako ng tingin dun sa gate.. wala parin sila..

hala.. ah alam ko na! itetext ko na...

"ma, malapit na po ako, san na po kayo?"

...SENT!

1 minute passed..

wala pading reply si mama.. at wala padin sila sa gate...

dadating kaya sila? kahit saglit lang please... kahit hindi nila tapusin yung piece.. sana lang makita nya.. gusto ko makita niya ang talent ko.. kahit saglit lang, maappreciate ko... please..

"wow, that was a cool performance.."

naku.. ayan na, tapos na yata si thea, nagsasalita na ulit yung emcee eh.

"palakpakan po natin siya.."

hala.. tapos na nga si Thea.. TT.TT

"now, meron pang isang talentado na ishashare ang talent niya sa atin.."

ayan na... ma, nasan na ba kayo.. pupunta naman kayo diba?

"Let's call on Ms. Zsharlotte Villarde!"

nagpalakpakan yung mga tao.. 

tumingin ako sa cellphone ko..

walang reply..

tumingin ako sa gate..

walang nadating..

wala.

TT.TT

wala na akong magagawa. umakyat na lang ako sa stage..

"hahahahahhaha"

"hahahahahahahahaha"

"hahahahha"

nagtawanan na yung audience, karamihan kasi sa kanila ngayon lang to nakita..

"ikaw! kayo!!! bakit kayo tumatawa?!!!! pinagtatawanan niyo ko?!"

and just like nung audition, tumahimik na naman sila. siguro naiisip nung iba, nababaliw na ako.

"hahahahahaha.. natakot naman kayo??! ahahahahha!"

naglulupagi na ako sa stage, pero syempre, iniiwasan kong maging OA. hahaha.

hanggang unti unti nang naging mahina ang tawa ko at natulala na ako.

"alam niyo ba kung bakit ako nagkakaganito?"

hindi ko na kayang pigilan, dito ko na lang ilalabas yung luha ko.

"iniwan kami ni ama.."

tapos hindi pa nagpunta si mama ngayon..

"sumama siya sa ibang babae.."

ni hindi man lang nagreply at nagpaliwanag..

"nung araw na yon... pinipigilan ko siya.."

bakit ba gento? bakit ba gentong buhay pa ang napunta sakin?

"..pero nung umalis siya.. tuluyan nang nawala lahat ng pag galang at pagmamahal ko kay itay.."

ayoko na eh.. napapagod na ako..

"...lahat ng yon, nasalinlan ng pagkamuhi at pagkapoot sa kanya!!!!"

hindi lang sa kanya.. ngayon, galit na din ako sa mama ko.. i hate her.. nakaka inis.. lagi na lang.. lagi na lang gento!

natapos ko ang piece na damang dama ko...

"wow. that's spectacular Zsharlotte... let's give a big round of applause!!!"

narinig ko yung palakpakan ng tao sa back stage.. pero lahat ng yon, walang halaga sakin.. yun pa ba ang mapapansin ko? kesa sa nanay ko? isang kamay lang ang hinahanap kong papalakpak saki.. pero wala siya. hindi siya dumating.

*zshzshsh sshzhzshzh*

hinanap ko yung cellphone ko na nilagay ko sa bag ko..

From: mama

nanginginig ako.. sa galit, sa kaba, o sa takot? hindi ko alam. baka naman nakapunta sila, hindi ko lang nakita? wow. that's exciting..

READ button

=== please wait.. ===

dug dug.. dug dug.. kinakabahan ako..

"bhe, sorry.. nagkaron kc ng urgent meeting s ofis. we cn't come."

I just turn off my cellphone and pretend na hindi ako umasa at nasaktan.

VOiCE OF TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon