bwisit talaga oh. bwisit. kanina pa ako naiimbyerna dito sa lintek na bus na to. aba naman, ito lang naman ang magdadala sakin sa bundok na pagaaralan ko ng highschool. bakit ko pa kasi kaylangan ng lintek na scholarship na yan! tsk! sige na, patulan na tong scholarship na to. wala daw kaming babayaran na tuition fee at kahit na ano. fine. makipagsapalaran. pero takte talaga... mamimiss ko si utol... at ang buong klase namin.. si cher cass.. si cher john.. ayan, naluluha tuloy ulit ako..
"tara na bhe, dito na tayo."
infairness, malaki yung school.. at pahirapan bago makapasok dito ah.. andaming tests. matatalino daw kasi ang mga tao dito, mataas daw ang quality ng education dito.. nung maayos na yung section kung saan ako nalagay, umalis na kami ni mama nung school.. maghahanap daw kami ng boarding house..
lakad...lakad... tanong.. tanong... lingon.. lingon..
ayun, nakakita kami ng boarding haouse.. infairness, maganda!! mukang sosyal.. hiwalay yung babae at lalaki.. sa first floor ang boys, second floor ang girls, tapos may rooftop. oh diba? pwede na. naginquire kami.. tapos sa room 204 daw ako, college students ang kasama ko.. kasi naman eh. onti lang naman ang napasok galing sa malayo.
salamaaaaaaat naman. umuwi narin kami.. kaylangan ko na humanda sa highschool life.
sabi nila, highschool life daw ang pinakamasayang parte ng buhay ng isang tao. ma-enjoy ko kaya to? tingin niyo? hahaha. tingan natin.

BINABASA MO ANG
VOiCE OF TRUTH
Teen Fictionisang kwentong sumasalamin sa storya ng bawat teenager. babae, lalaki, mabait at kontrabida.. lahat makakarelate!! Please read. and never forget to vote ((=