wow ah, pa-park-park na lang sila ngayon. ayos ah. grabe di man lang talaga ako hinintay, hindi man lang ako naalala. tssss. yaan na nga, park lang naman yun. kaasar lang. wew. nasstress lang ako ng dahil jan sa walang kwentang park na yan. pa-park-park pa kasi, nagkasakit tuloy. hahahaha. okay, I'm so mean >:)) eh siya naman may kasalanan eh!! bakit ngayon pa siya nagkasakit? akala ko pa naman magiging okay ang araw ko.. sus di rin pala.
"ikaw na muna dito, hindi naman pwedeng iwan si chuchay."
ah ganun?? so, iiwan nila ako dito sa bahay ng ako lang? ayos din ah. ayos din!!! nagsisikip na yung lalamunan ko.. ayoko umiyak.. no, never in front of her.
"Ay!! oo nga pala, Zharri! Birthday mo nga pala sa Monday no?? naku, eh wala eh, kaylangan nating unahin yung kapatid mo. Sabi kasi ni doktora, she needs to be confined in atleast 4 days. The asthma she had was fatal. "
and.. is that the explanation I deserve?
"Oh eto 300, bumili ka na lang ng pagkain na gusto mo. babalik nadin ako ng ospital, kukuha lang naman ako ng damit namin ng daddy mo dito. sige na Zharri, buh-bye na.. Happy Birthday anak."
Umalis na si mama after getting their clothes. Hindi na lang ako nagsalita the whole time that my mother is here. Chaka ko lang napakawalan yung luha ko.. aray.. ansakit sakit. napatingin ako dun sa pera na pinatong ni mama sa lamesa. PERA?! pera lang yung ibibgay niya sakin para sa birthday ko? hindi ba niya naiintindihan? hindi pera ang kaylangan ko.. ang kaylangan ko, siya. siya na nanay ko. anak din naman niya ako ah? bakit si chuchay na lang lagi? birthday ko to... birthday ko to. wala na nga akong tatay eh... hindi ko pa maramdaman na may nanay ako...
Hindi niya ba naiisip na mararamdaman ko 'to???! yung tipong, your birthday is coming and here you are, alone in a cold dark house.
Ano ba yaaaaaaan! gusto kong sumigaw.. yung malakas na malakas.. kaya eto, nagpunta ako dito sa ilog malapit samin. ano bang gagawin ko??? lagi na lang gento.. hindi ko na mapigilan yung luha ko.. ang.... lungkot.. ang lungkot lungkot ko...
"ma naman... *sniff* kay--kaylangan kita.. *sniff* kaylangan ko ng nanay.... TTT.TTT"
hindi ko na talaga kaya.. ayoko naman maglayas.. hindi ko kaya.. ayokong umalis sa tabi nila.. kahit nga noon, may gustong mag-adopt sakin na taga-Canada na pinangakuan ako ng magang buhay.. tinanggihan ko.. ayoko.. ayoko umalis sa tabi nila.. siguro, gento na lang talaga.. wala naman akong magagawa eh.. sila ang pamilya ko.. kahit masakit.. kahit sobrang SAKIT.
MONDAY. ayan, wala tuloy akong ganang mag-aral at pumasok. Pero kesa naman maburo lang ako sa bahay namin at tumitig sa apat na sulok ng kwarto namin, nagdesisyon ako na pumasok na lang ngayon. Hindi ako binati ng mga nakakasalubong ko.. hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na pinapangalandakan na birthday ko.. actually, I hate it. Ewan ko ba, mas gusto ko yung binabati ako dahil alam talaga nila yung birthday ko hindi yung dahil sinabi ko na birthday ko.
"Utol, kanina ka pa walang imik dyan. nakakapanibago ka. okay ka lang ba?"
"oo naman.. bakit naman ako hindi magiging okay?"
"eh baka lang naman.. kaya nga nagtatanong eh... baka di mo namalayan, recess ho ngayon, baka gusto mong tumayo na dyan at magpunta na tayo ng canteen."
"hindi ako nagugutom, sige na.. ikaw na lang."
"sigurado ka ba? Math next subject natin, si cher john.. bopols ka pa naman sa math, tapos di ka pa kakain?"
"la akong pakielam.. mamaya nalang akong lunch kakain."
"osige utol, kaw bahala.. lafangs na ako ha.."
inubob ko na lang yung ulo ko. wala talaga akong gana. Wala akong energy. hays. buti na lang hindi ako mukang kawawa dito.. kasi andito naman si anne. hindi nalabas ng classroom to eh.. di ko nga alam pano siya nakaka-survive ng ganon.. hindi naman nagtagal bumalik nadin yung classmates ko sa room. at kasunod na nila si cher John. hayy jusko, MATH TT.TT </3 parang gusto ko tuloy pumunta sa canteen hahaha baka hindi ako makasagot, nakakahiya. weh? uso?? hahaha. bahala na nga.

BINABASA MO ANG
VOiCE OF TRUTH
Teen Fictionisang kwentong sumasalamin sa storya ng bawat teenager. babae, lalaki, mabait at kontrabida.. lahat makakarelate!! Please read. and never forget to vote ((=