Chapter 1 – this freak!
“Sige!!! Subukan mong lumapit sakin, lahat ng bakal na makikita ko dito, isusubo ko sa bibig mo!!!”
“ang kapal mo! Sino ka ba sa palagay mo ha?”
Sus, nagtanong pa tong panget na to.
“sinong makapal? Eh ikaw nga dyan! You’re so pathetic. Gusto mo ikaw ang nasa spotlight. SIPSIP!”
Nag-chee-cheer na yung mga estudyante sa paligid namin. Nakaka asar naman kasi talaga. Ang arte arte nya kumilos. Lagi pa siyang nagsasayaw sa mga programs ng school. Ang daming humahanga sa kanya kahit ang pangit naman ng ugali niya. Nakakainis talaga.
“utol, hindi naman papalag yan, hayaan mo na yan.”
Hindi ko kapatid yang bumulong sakin.. but she is one of my closest friend.. sya din yung lagi kong kasama sa away. Kaya nga naging utol na tawagan nmin niyan eh.
“ano ba talagang problema mo sakin ha?! Umpisa pa lang ramdam na ramdam ko na na ayaw mo sakin! Bakit ba, ha?! Inaano ba kita?!!!!!”
Umiiyak na si mikay that time. Poor little girl, umiiyak na sya sa harap ng campus namin. That is one thing I swear I will never do—show my weakness in public. Pero at the back of my mind, I am smiling. I won again, sabi ko na nga ba eh, walang sasalungat sakin. HAHAHAHA. >:]
“well, I just hate you because---“
“because what, zharri? What is this again?”
Kusang umikot yung mata ko. Tsssss. Eto na naman tong teacher na to. Feeling na naman nya nagiging immature ako, hello?! Graduating student na ako at highschool na next year! Bakit ba gento sila? Masyado kaming tinitreat na batang bata.
Just like the expected, napunta na naman ako sa office nya na super kabisado ko na ang ichura. At dahil ako lang naman yung gumawa ng gulo, ako lang yung kasama niya dito. Here we are again, long talks once more. Sya si teacher john, assistant principal ng private school na pinapasukan ko.
Ewan ko lang kung bakit sa dami ng kaso ko, hindi niya parin pinapatawag ang parents ko, at hindi ako dinadala sa principal, hindi padin nababalaang ikick-out. Ganito talaga sa mundo ng mga may pera, pera ang nagpapatakbo ng buhay nila.
But I think, teacher john is not one of them. You know, he seems so real. He is good, very good actually. Magaling syang magturo..
“cher, tsk. Hindi ba kayo napapagod sa kakasermon sakin? Wag niyo nang sayangin yung oras niyo sakin.”
“hindi.”
“what?? This is absurd!! Tama na to. Okay sorry for causing you trouble. Are we done?”
“no.”
Naasar na ako. Nakakasawa na to. Pauli ulit na lang.
"bakit ba hindi ka napapagod kaka-kausap sakin? Bakit ba ha, cher john? Dahil binabayaran ko kayo at tingin niyo kelangan niyo tong gawin dahil parte to ng bayad namin?”
Ooops. Parang mali yata yung sinabi ko. words, once they are spoken, they can only be forgiven, but not forgotten.. nung nasabi ko tuloy yun, i can’t look at him. I felt guilty. Lalo na nung hindi siya nagsalita agad. Mali yung nasabi ko..alam ko yun. Pero hindi ako yung taong nagsosorry agad.. hindi na lang ako nagsalita at tumingin na lang ako sa ibang lugar.
Finally, nagsalita din siya..
“hindi. Kaya ko to ginagawa, kasi alam kong hindi ‘to nagagawa ng mga magulang mo sayo.”
I swear, I think a part of my body ached..the place where my heart is probably located.
Napalunok ako. Lalo kong hindi tiningnan si teacher john. Alam niya kasi ang nangyayari sa pamilya ko dahil narin sa madalas niya nga akong sermunan, ayun, madalas akong mag burst out sa harap niya. Kung meron mang taong nalalaman yung side na yun ng pagkatao ko, that is cher john. But not now, not again.. ayoko nang umiyak because of the same damn thing. Kaya hindi nalang ako nagsalita..
“ginagawa ko to, kasi alam kong kaylangan mo ng taong makikinig sayo at tanggap ka ng buo. ginagawa ko to sayo, kasi teacher mo ako, at pakiramdam ko, kaylangan ko tong gawin dahil sabi nga, kami ang pangalawa mong magulang.. at dahil pangalawang anak kita, kaya ginagawa ko to sayo.”
“okay. So sasabihin mong magsorry ako kay mikay. Fine. I’ll talk to her tomorrow. Uwian na ngayong nag-away kami, kaya malamang nakauwi na yun. Just stop this.”
“this is not about mikay. It’s about you. Yes, you have to apologize to her. Pero hindi yun ang gusto kong i-point out dito. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? You are already a grown up child an---“
“that’s the point! Malaki na kami cher John! Alam naming kung anong ginagawa namin! Naiinis ako sa kaartehan niya so sinabi ko sa kanya. Kasalanan ko bang mainis siya kung sinasabi ko lang sa kanya yung pangit sa ugali niya?!”
“yan. Hindi kasi napapakinggan lagi yung side mo sa bahay niyo kaya dito mo nilalabas lahat.”
ayoko na makinig. nakakainis na eh.
"bakit ba ang init na naman ng ulo mo? kanina pa yatang umaga eh, napansin ko."
sasabihin ko na nga, para matapos na to. ayoko sa lahat yung pinapamuka sakin na maling mali ako at parang wala akong point..
"kasi naman cher eh!!! pinalitan nila yung apelido ko! Hindi na ako si Zsharlotte de Castro!!!!!! Zsharlotte Villarde na ngayon!!!! I hate it.. I just... hate it so much..."
And then there. Hindi ko na naman napigilan, nag burst out na NAMAN ako. Lagi na lang gento kapag kinakausap ako ni teacher John. Lagi na lang nailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin.
Pagkatapos kong magdrama at matanggap lahat ng payo ni cher John, umuwi na ako....back to the place I wish I never knew.

BINABASA MO ANG
VOiCE OF TRUTH
Teen Fictionisang kwentong sumasalamin sa storya ng bawat teenager. babae, lalaki, mabait at kontrabida.. lahat makakarelate!! Please read. and never forget to vote ((=