Kung nandito lang si charie di sana may kausap ako at di ako mabobored ng ganito, haist! Ewan ko ba dun sa kanya sabi nya masaket daw ulo nya kaya di sya papasok. Masyado sigurong naging masakit sa kanya ung pag kaka guidance nila. Daig pa nya ung naging broken heart eh. Hahaha.
Pagkalipas ng mga ilang oras ay umalis na ako sa resto 5hours lang kasi pasok namin. Di pwedeng magpaumaga may pasok pa sa school eh.
"Manager, alis na po ako" pasigaw kung saad kasi nasa malayo sya.
"Osige, sabihin mo kay charie magpagaling sya"
"Okay po manager! Sige po una na po ako" nakangiti kong sabi habang kinakaway kaway ang kanan kong kamay.
Ayun na nga pauwi na ako 12am na at since 12am na wala na akong makitang masakyan, kaya ayun naglakad ako.. Lagi naman eh.. Lagi kaming ganito umuwi ni charie, lagi din kaming naglalakad, pero this time natatakot ako kasi ako lang mag isa. Maya maya ay napadaan ako sa isang eskenita na kung saan may tatlong lalaking nag iinoman. Grabe mga nakahubad ang damit, puro tattoo ang katawan at palagay ko lasing na lasing na kanta kasi ng kanta ng wala sa tono >____<
No choice ako, yun lang ibang daan papunta sa condo. I mean short cut kasi yun kaya dun ako dumaan.Maya maya ay humarang sa dadaanan ko ung dalawang lalaki. Kabadong kabado ako diko alam gagawin.
"Miss, shot tayo dyan" sabay taas ng kamay nya na may hawak na bote ng redhorse.
Ngunit diko pinansin ang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. Sabi kasi saken ni charie, Dont talk to strangers daw. Hahaha. I mean dun sa eskenita na yun, wag daw ako makipag usap madami daw kasi mga adik, magnanakaw at mamamatay tao. Waaaaaah! Bat ba kasi dito pa ako dumaan. Tanga tanga ko. Grrrrr.
Ngunit bigla akong napahinto sa paglalakad ng biglang hinawakan nung isang lalaki na medyo payat ang aking kamay. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya, nakita ko pa nga syang tiningnan ako mula ulo hanggang pa. Sa ginawa nyang yun ay kinilabutan ako dahilan ng pagtaas ng aking balahibo..
"Pare! Malaman, maganda ito pang pulutan" saad nya sa dalawang lalaki habang nagtatawanan..
Naku! Inggit ka lang kasi ako may taba ikaw payat. Wahaahaha.
Hindi kona alam ang gagawin ko. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko pero masyado syang malakas. Diko alam kung bat ganun sya kalakas eh samantalang kaya ko syang ibalibag.. Nagulat ako ng biglang tumayo ang isang lalaki at dahan dahanna silang lumapit saken, dahilan ng upang mapasandal ako sa pader. Grabe natataranta na ako, diko na alam. Mas naging intense ang mga pangyayari, bumibilis ang tibok na puso ko sa sobrang kaba.
BINABASA MO ANG
The Best Friends
Fiksi RemajaIto'y isang kwento ng apat na magkakaibigan, sabay sabay kaya nilang mahahanap ang kani-kanilang pag ibig? O Ang pag ibig ang dahilan para mawasak ang kanilang pag kakaibigan.? Teen Fiction & may pagkarated SPG din po. ^^ By: zompayat