BreakUp Scene

375 8 0
                                    

@Restaurant

"Ma-mark?? " sambit ko. or let say pagkuha ko ng atensyon niya.

"A-anong ibig sabihin nito?" Tanong ko, halos manlumo ako sa kinatatayuan ko, hinang-hina na rin.

GUSTO niyo malaman,kung anong nakita ko? Well, nakita ko lang naman syang may kasamang babaeng at ang mas malalá kahalikan niya pa.

"Who is she babe?" Tanong nang babaeng katabi ni Mark, pinasadahan pa ako nang tingin ng babae,mula ulo hanggang paa.

Diba dapat ako ang gagawa nun? Tsk. . Di pinansin ni Mark ang babae at..

"What are you doing here Sophia??" Malamig na tanong sakin ni Mark.

What the- what im i doing here? He's he crazy?

"What am i doing here? Well to surprise my boyfriend, pero mukhang ako ang nasurprise..."sabi ko,pumiyok pa ako.

"Sinabi sakin ng mga barkada mo na nandito ka.. Tama nga sila nandito ka. Nandito ka, kasama ang...."tinignan ko rin ang babaeng kasama niya ng Mula ulo hanggang paa.

"...Malanding babae na yan"dugtong ko, tinuro ko pa ang babae.

Gulat ang rumihistro sa babae.

"Anong tinawag mo sa akin??" Inis na tanong nung babae at tinuto niya pa ng sarili niya.

"Are You Deaf? well sabi ko malanding babae'.. narinig muna?" pang iinis ko pa sa kanya,kahit na nanghihina na ako.

Mukha namang naiinis ang babae dahil bigla niyang hinila ang buhok ko, di agad ako nakalaban dahil ansakit nang pagkakasabunot sakin, nakarinig pa ako ng pagsinghap ng mga costumer at bulungan.

Maya-maya dun ko na rin sya sinabunutan at nilakasan ko pa. Bigla naman syang napa aray sa sakit.

"Don't touch my hair" maarteng sabi nito.

Dahil sa sinabi nya mas hinila ko pa ang buhok nya na kulang nalang sumubsob ang mukha nya sa sahig.

Naramdaman kung inaawat na kami ng mga tao pero di ako nagpapigil..

"Hey stop that" pigil ni Mark. Hinihila parin nung babae ang buhok ko.

"Sophia, stop. You hurt her" sabay hila nya sa babae nya.

"Babe, my hair. Huhuhu" sumbong nung babae kay Mark. Punyeta sya arte nya ahh.

Akmang susugurin ko sya nang pumagitna si Mark, at ...

"Stop That Sophia,You're making a scene,here."pag awat sakin ni Mark,tinignan ko naman ngayon si Mark na malamig na nakatingin sakin.

"At ako pa ang GUMAGAWA ng eskandalo dito ah."sabi ko, pinipilit kong ayusin ang pananalita ko pero. but,damn. pumipiyok parin.

"sino kaya sa atin? ha Mark?" Sabi ko pa.

"Saka di mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ibig sabihin ng nakita ko? at sino siya?" tanong ko at tinuro ang babae. this time tumulo na ang luhang pilit kong pinipigilan.

"She's My Girlfriend,Sophia"sabi ni Mark sakin habang nakatingin sa mata ko.

"Yeah I'm his Girlfriend. and you are?"maarteng sabi naman nung babae,pero di ko siya pinansin.

ta-tama ba yung...na-narinig ko? gi-girlfriend niya ang babaeng to?

"eh ano ako?"tanong ko habang lumalandas ang luha sa pisngi ko.

"YOU'RE NOTHING,SOPHIA." madiing sabi ni Mark.

Nothing?..wow.just.wow.

"Nothing? pagtapos ko ibigay lahat. Nothing parin?" UMIIYAK na sabi ko.

"Tumigil kana Sophia,we're done. I don't love you anymore. Kaya pwede ba tumigil kana, nakakasawa kana ehh." Sigaw sakin ni Mark, nagulat ako dahil first time nya akong sigawan.

Napaiyak ako ng husto sa sinabi nyang, di na nya ako mahal...

"Why? Dahil ba nakahanap ka na ng i---" biglang pinutol ni Mark ang sasabihin ko.

"OO" matigas na sagot ni Mark.

"Because she's bettier than you, mas mahal ko sya kesa sayo." Sigaw nya ulit sakin.

D-di ko na kaya...

"Ano bang nagawa ko? para gawin mo sakin Ito?" Humahagulgul kong tanong sa kanya. Nagmumukha na akong tanga dito.

"Lahat naman ginawa ko ahh,binigay ko. Ano pa bang kulang ha? " dugtong ko.

"Yun na nga ehh, ginawa muna lahat at binigay, pero nakakasawa na ehh. Nakakasawa lahat. Naririnig mo ba ako? LAHAT LAHAT Sophia." sabi nya.

"Tapos na tayo sophia. Kaya tumigil kana sa kahibangan mo.WE'RE DONE." dugtong nya, nagpanic naman ako.

Nooooo, di ko kayang mawala sya...

"No. Please. Mark please don't break up with me please. please don't do that." pagmamakaawa ko at lumuhod pa ako sa harap nya, sa harap ng maraming tao.

Wala na akong pake kung magmukha akong kawawa, at desperada. I don't care.Hinawakan ko pa ang kamay nya pero tinabig nya lang ito.

"ano ba Sophia,tumigil kana." naiinis na wika ni Mark at tinabig ang kamay ko.

"alin ba sa salitang sinabi ko ang hindi mo maintindihan? at Akala mo ba MAHAL talaga kita? psh. in your dreams,Sophia." naiinis pang sabi nito.

Para namang uniting ang dila ko sa narinig ko. Ni hindi ako nagsasalita habang nakaluhod at umiiyak.

"Ano ba Bitch,di kaba nakakaintindi na tapos na kayo? Gusto mo ulitin ko? T.A.P.O.S N.A K.A.Y.O, kaya umalis ka nga sa daanan. Isa kang malaking basura sa daanan ehh. Tabi" sabi nung babae at tinulak pa ako,kaya naman napaupo na ako.

Ansakit marinig yun. Sobra, wala akong ibang ginawa kundi umiyak.

Minute pass ng biglang magsalita ulit ang babae...

"Let's go babe,iwan na natin yang wala mong kwentang girlfriend" napatingin naman ako sa kanila.

"Let's go!" Walang emosyong sambit ni Mark, pero bago pa sila makahakbang nagsalita na ako..

"Ganun ganun nalang yun Mark? Pagkatapos ng lahat,saka mo ako iiwan? Pagtapos kong ibigay at gawin sayo lahat,ikaw pa tong may ganang mang iwan? ikaw pa tong makikipag break sakin?. LIMANG TAON,MARK. LIMANG TAON.. Wala lang pala lahat, tapos ipapamukha mo sakin na hindi mo ako minahal. Naggagaguhan lang ba tayo dito? Naglolokohan? Nakikipaglaro? eh kung ganun lang naman,sana sinabi mo sa akin ng Harapan at hindi dito. Masyado mo akong sinaktan eh." sabi ko. Mabuti nalang at di ako pumiyok.

Huminto nga si Mark,pero after ko magsalita parang wala siyang narinig at naglakad na. Pero di pa sila nakakalayo,nagsalita ulit ako...

"Mark my words Mark James Sandoval and Ms.Who-Are-You, tandaan nyo tong nangyareng Ito.. Sisiguraduhin kung magiging mesirable ang buhay nyong dalawa. Sisiguraduhin ko rin na hindi kayo magiging masaya. Lahat ng ginawa niyo sa akin.. LAHAT LAHAT. gagawin ko rin sa inyo.SOON." Sabi ko...

"And to you,Mark. Thank you.. Thank you for EVERTHING" dugtong ko.

Pero parang wala silang narinig dahil iniwan na nila akong nakaluhod at umiiyak, kasabay nang pag lisan nila sa akin ay ang pagdating ng nga kaibigan ko..

......

The BrokenHeartedWhere stories live. Discover now