Entry No. 8

459 21 5
                                    

A/N: Ten ten ten. Here's chapter eight guuuuiiiissseeee :>

• • • • • •

Hulaan niyo kung ano meron. :3

Birthday na namin! Pero ewan ko, kung ano-anong pinaplano netong halimaw na toh. Fancy restaurant ba naman? Eh, di naman pang fancy yung date niya.

Binigyan niya ako ng violet cocktail dress, yung may black belt na naka ribbon sa side. Dahil mabait siya, hindi niya ako pinag-suot ng heels. Yung black flats lng na may diamond. Cute naman.

As usual, inayusan ako ni Lory. Nagtatampo pa nga siya kung ba't hindi na lng daw party para masaya ang lahat.

She curled my hair tapos naging malaking locks na siya. Ang ganda. May violet na ribbon din siya sa likod. Minake-up-an niya rin ako, yung simple lng naman.

Pinuntahan ko na si CM sa bahay nila, baka hindi pa nag-umpisa mag-ayos yung bata.

Tae, parang nanay na ako mag-salita. Huhuhu T^T

"CROSS SANDFORD. PAG HINDI KA PA BUMABA DITO NG LIMANG BILANG, ICACANCEL KO YUNG PLANO NG BUONG BUHAY NATIN!" Alam kong OA, hindi lng ako ganun kadali mag-hintay. Pero, di ko kayang icancel yung plano ng buong buhay namin. * wink wink * ;)

Para san yun? Eya, nababaliw ka na talaga.

"ISA!" Unang bilang pa lng bumaba na siya.

"Eto na po ate. Ang impatient kasi eh." Sabi niya habang tumatakbo pababa.

"Oh ano, halika na?" Tanong ko sabay kumindat siya. "I'm always ready." Tinitigan ko muna siya habang inintindi yung sinabi niya.

"Ano ba CM! Mamaya na nga yang malisya mo. Oh siya, happy birthday halimaw!" Sabay yakap ko para matuluyan na niyang makalimutan yun.

"Happy birthday din, panget." Ang lakas ng loob para ngumisi.

Dahil sa kanina, hindi ko napansin ang suot niya. Formal si kuya. Takte, formal din pala suot ko. Bobo mo talaga kahit kelan Eya.

Pero pakshet, ang hot niya tignan. Suot niya lng yung long-sleeved white polo niya and black neck-tie habang nakasabit yung coat niya sa arms niya.

"Tapos ka na?" Nagulat ako nang bigla akong kausapin ni CM.

"Ah-eh-anong tapos? May ginagawa ba ako?" Tinaasan ko siya ng kilay, kunwaring hindi nahuli.

"Mukhang gusto mo na akong kainin kanina eh. It's okay, babe. I don't bite." Sabi niya sabay kindat. Nanlaki naman bigla yung mata ko, hindi eto si CM.

"Nasan na yung CM ko?" Tanong ko sa kanya. Sinimangutan niya lng ako.

"Kala ko pa naman gusto mo yung ganon. Hay, iba ka talaga. Di naman ganyan yung mga nababasa ko eh." Sabay sigh.

"Nababasa?" Tanong ko.

"Sa mga libro."

"Baka naman sa Wattpad."

"Oo, sige na. Wattpad nga."

Tumawa naman bigla ako habang hinahampas ko yung balikat niya. "Kaya pala ang drama mong halimaw ka!" Sabay tuloy pa rin ang tawa ko.

"Tatahimik ka o hahalikan kita?" Tumahimik naman bigla ako. Hindi pa rin talaga ako sanay na i-kiss si Cross. Parang nahihiya ba? Ewan, baka ayawin niya pa ako kasi hindi ko marunong humalik. Naku, wag na. Against lng talaga ako sa PDA, unless special yung moment ;)

Ako naman ang tinaasan ng kilay ni CM ngayon. "Hanggang ngayon ayaw mo pa rin sa aking kissable lips? It's not like we haven't kissed before, panget."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng panget (FAN-FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon