Kapitulo 2

36 1 1
                                    

Kapitulo 2

(Taong 1890)

Third Person's

"Buen día, amigos míos! Bienvenido a nuestra casa. Por favor pasa (Good day, my friends! Welcome to our home. Please come inside)" masayang pagbati ng Gobernador sa mga bisita sa kanyang tahanan.

"Gracias (Thank you), Gobernador Julio Balmaceda. Isinama ko ang aking unica hija. Mariana, halika, bumati ka sa ating Gobernador," sabi ni Don Teodoro Dela Vega, ang isa sa pinakamayaman sa bayan ng San Antonio.

Matamis na ngumiti lamang ang dalaga sa Gobernador saka ito nagpalinga-linga. Napansin ito ng Gobernador. "Si Juan Antonio ba ang iyong hinahanap, Binibini? Marahil ay nasa kanyang kwarto pa ito. Hayaan mo at lalabas din iyon." Tumango na lamang si Mariana.

Nakita naman nito si Clarita na may dalang mga tasang may tsaa at mga tinapay na mula pa sa bansang Pranses.

"Clarita!" tawag nito kay Clarita at agad niya itong nilapitan. "Kamusta ka na? Kay tagal nating hindi nagkita. Wari ko'y mga tatlong buwan ang nagdaan ng huli tayong nagkasama," masaya nitong sabi kay Clarita.

"Sandali lamang, Binibining Mariana. Ihahatid ko lamang itong mga tsaa sa iyong ama at sa Gobernador," malumanay na tugon ni Clarita kay Mariana saka nito inilapag sa maliit na mesa ang mga pagkain at inumin.

Agad naman itong hinila ni Mariana saka ito niyakap. "Tatlong buwan din tayong hindi kita, Clarita, masaya ako at magkasama na tayong muli. Halika, doon tayo sa pasimano."

Tinungo nila ang pasimano at doon ay tanaw nila ang kagandahan ng tanawin. "Lubos din ang kasiyahan ko, Binibining Mariana," sagot naman ni Clarita.

"Hindi na kailangang tawagin mo akong binibini, Clarita. Magkaibigan naman tayo," ani Mariana ngunit umiling at ngumiti na lamang si Clarita. "Kamusta na kayo ni Juan Antonio? Wala akong ganoong karaming balita sa ating bansa noong ako ay nasa Europa."

Napangiti ng tuluyan si Clarita na parang may kilig siyang naramdaman. "Maayos naman kami, Mariana. Walang pinagbago."

"Lihim pa rin ba ang inyong relasyon? Bakit hindi ninyo ito ipaalam sa madla? Hindi karapat-dapat na itago ang isang kagaya ni Juan Antonio. Mapalad ka na lubos ang kanyang pagmamahal sa iyo."

Umiling si Clarita at biglang nalungkot. "Hindi maaari, Mariana. Nasa magkaibang estado kami sa buhay. Hindi matatanggap ng ating Gobernador na ang kanyang anak ay umiibig sa isa lamang anak ng alipin."

Dinaluhan siya ni Mariana saka hinawakan sa kamay. "Hayaan mo, ako ang bahala. Dating gawi."

Ilang minuto lamang ay bumaba mula sa kanyang kwarto si Juan Antonio. Agad niyang nahagip ng paningin ang nagsisilbing si Clarita. Naglakad ito malapit sa kanya at pasimpleng hinaplos ang kamay nito.

"Oh, gracias a Dios, hijo! (Oh, thank God, son!)" Lahat ay napatingin kay Juan Antonio. "May mga panauhin tayo ngayon. Narito si Binibining Mariana na iyong kababata at ang kanyang ama na si Don Teodoro."

Lumapit si Juan Antonio sa kinaroroonan ng kanyang ama at ng mga panauhin nila. Nakangiti mula roon si Mariana.

"Magandang araw ho, Don Teodoro at sa iyo, Binibining Mariana. Matagal din tayong hindi nagkita. Kamusta ka sa Europa?" pagbati ni Juan Antonio sa dalawang panauhin at kinamayan si Don Teodoro.

"Mabuti naman ang kalagayan ni Mariana sa Europa. Hindi rin masidlan ang tuwa ng aking anak nang malaman niyang bibisita ako rito sa bayan ng San Antonio," kwento ni Don Teodoro.

"Ito namang si Juan Antonio ay kakatapos lamang ng kanyang misyon bilang bagong heneral sa Bataan. Mag-iisang linggo pa lamang itong namamalagi ngayon dito sa atin. Muli ay lululan ito sa Cebu sa isang buwan upang gawin ang kanyang tungkulin," banggit naman ng Gobernador sa kanila.

Miss 1890 In Modern TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon