Kapitulo 4
(Taong 2017)
Third Person's
Nagsasaliksik tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas si Professor Ibarra sa Miguel de Benavides Library sa Unibersidad ng Santo Tomas. Tila may hinahanap itong libro patungkol sa mga angkan na namumuno noong ika-labing siyam na siglo.
"The local government in the Philippines, specifically the composition of the principalia are the gobernadorcillo, the chief of police, the lieutenants of police, field, and large cattle, the former gobernadorcillos, the cabezas de barangay," basa ni Prof. Ibarra sa librong kinuha niya kanina. Iilan na lamang ang tao sa silid-aklatan kaya minabuti ng propesor na sa ganitong oras pumunta.
Lahat ng nakakalap niyang impormasyon ay inilalagay niya sa kanyang kwaderno upang gawing diskusyon iyon sa kanyang mga estudyante kinabukasan.
"Mukhang kulang pa ang mga ito para sa aking mga estudyante. Tiyak hahanapin lamang nila sa internet ang mga ipapahanap ko bukas. Kailangan ko pang maghanap ng libro," ani Prof. Ibarra saka ito bumalik sa history section ng library.
Habang naghahanap ito ng libro ay napukaw ng kanyang atensyon ang kulay maroon na libro. Kinuha niya ito at nabasa niya na ito'y tungkol sa mga principalia noong 1890.
Napangiti ang propesor saka ito bumalik sa kanyang pwesto. Binuklat niya ang libro at bumungad sa kanya ang listahan ng mga namumuno noong 19th century simula sa pinakamayayamang angkan hanggang sa mga angkan ng alipin.
"Hi Professor!"
Bahagyang nagulat si Prof. Ibarra sa biglaang pagbati ni Clarity na sumulpot sa kanyang likuran. Nakangiti itong ipinakita ang dalang supot.
"Ano 'yan?" tanong ng propesor sa dalaga.
"Food, Sir. I know hindi pa kayo nag-eat kaya nag-bring ako. Hindi pa rin ako nag-eat kaya sabay na lang po tayo," sagot ni Clarity saka ito umupo sa tabi ni Prof. Ibarra.
"Alam mo namang bawal kumain dito, Clarity. Baka mapagalitan tayo ng librarian dito," paalala ng propesor kay Clarity.
"Naku, Sir! Good vibes ngayon si Madam librarian kaya keri lang. Tsaka alam niyo namang frienies kami noon," paliwanag ni Clarity habang inilalabas ang pagkaing nasa lunchbox. "Halika na, Sir! Eat muna tayo. Hinanda pa naman ito ng mother dear ko. Hala ka, Sir, magtatampo iyon sa inyo."
Napatawa ng mahina ang propesor sa sinabi ni Clarity. Inirereto kasi siya nito sa kanyang ina na matagal ng byuda.
"Kamusta nga pala ang iyong ina? Inirereto mo ako sa kanya ngunit hindi ko pa naman siya nakikita. Paano naman ang ganoong set-up, Clarity? Baka magulat siya na hindi kagwapuhan ang inirereto mo sa kanya," biro nito sa dalaga.
"Ano ba kayo, Sir! Gwapo po kayo. Medyo serious type nga lang pero keri na. Tsaka parang anak na ang turing ninyo sa akin. For sure magugustuhan kayo ng mother dear ko. Eat na kasi tayo, Sir. Baka lumamig na ang food," sabi ni Clarity.
"Mauna ka na. May binabasa pa kasi akong libro. Para ito sa ituturo ko sa inyo bukas," wika ni Prof. Ibarra saka ipinakita ang libro kay Clarity. Nakita naman niyang iniinspeksyon ng dalaga ang libro. "Gusto mong tunulong?"
Tumango si Clarity saka itinabi ang mga pagkain. Binuklat nila ang mga pahina ng libro.
"Professor, ano po itong mga principalia, gobernadorcillo, cabeza de barangay na tinutukoy dito? Anong function nila sa lipunan?"
"Ang principalia ang mga noble class. Sila ang mga edukadong nasa mataas na klase ng pamumuhay at namumuno noon sa pueblos. Sila ang nagpapatupad ng konstruksyon ng mga gusali, simbahan, mga tulay. Sila rin ang namumuno sa pangongolekta ng buwis at naghahanda ng listahan ng mga polo y servicios," paliwanag ng propesor kay Clarity. Nangunot naman ang noo ng dalaga sa hindi nito maintindihan.
BINABASA MO ANG
Miss 1890 In Modern Times
AdventureSa taong 2017 ay makikilala natin si Jose Antonio Balmaceda, isang lalaking madiskarte at pasaway na mapaglaro sa pag-ibig. Ngunit paano kung sa kanyang paggising ay may biglang nasa harapan niyang isang napakagandang dalagang naka-baro't saya na na...