Kapitulo 6
(Taong 2017)
Jose Antonio's
Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan ko. Agad nagmulat ang aking mga mata.
Tangina! May nakapasok ata sa kwarto ko! Madilim pa naman dito at pinapatay ko ang ilaw 'pag matutulog ako.
"Ginoo?"
Ginoo? What the fuck?
Napakunot ang noo ko. Boses babae. Bigla kong binuhay ang lampshade sa tabi ko at nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa aking harapan ang isang napakagandang babae.
Napasinghap ang babae at nanlaki rin ang mata nang makita ako. Napatingin ito sa halos hubad kong katawan. Fuck! Nakaboxers nga lang pala ako!
Agad kong hinila ang kumot ko at itinakip sa katawan ko. Tumayo ako mula sa kama at binuhay ang switch ng ilaw. "Sino ka?"
Pumormal muli ang itsura ng babae. Ngumiti ito sa akin. "Magandang gabi, Ginoo," bati nito saka ito saglit na yumuko pa. "Ako si Clarita Guillermo."
Nagsalubong ang kilay ko. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. Hindi pamilyar.
Napatingin ako sa suot niyang damit. Anong meron at nakabaro't saya siya?
"Buwan ng Wika ba ngayon? O Halloween? Bakit ka naka-costume?"
"H-halloween? C-costume? Ano ang mga iyon, Ginoo?" inosenteng tanong naman noong babae.
"Hindi bale na. Sino ka ba? Paano ka nakapasok dito sa kwarto ko?" tanong ko sa kanya saka ko siya sinuri mula ulo hanggang paa. "Hindi ka naman mukhang magnanakaw. Baka naman isa ka sa mga naging babae ko?"
Umiling ang babae at ngumiti na naman sa akin. Lumakas ang tibok ng puso ko sa ngiti niya. Pang colgate ang ngiti!
"Hindi ako magnanakaw at hindi ako naging babae ninyo. May nobyo ako at hindi maipagkakaila ang inyong pagkakahawig. Kahit saang anggulo, walang ipinagkaiba," sabi nito.
"Dyan ka nagkakamali, Miss. Bihira na ang ganitong kagwapong mukha sa panahon ngayon kaya naiiba ako at wala akong katulad," proud kong puri sa sarili.
"Hindi ako maaaring magkamali, Ginoo. Tunay na magkahawig kayo ng aking nobyo. Magkasingkisig kayo."
I rolled my eyes. Bakit ba hindi na lang niya tanggapin na walang papantay sa kagwapuhan ko?
"Whatever," sabi ko sa kanya at nag-sign ako ng letter 'w' sa kamay. "And drop that 'Ginoo' thing. It's giving me chills. Sobrang makaluma."
"A-ano? Hindi kita maintindihan, Ginoo," aniya at umiling pa ito.
"Hindi ka ba marunong mag-english? Hays. Buhay nga naman. Bakit ka ba kasi nandito? Paano ka nakapasok dito? At saan ka bang lupalop galing at ganyan ang suot mo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya kasi sobrang nawiwirdohan na ako sa kanya.
Muli siyang ngumiti. Ayan na naman siya sa ngiti niyang iyan! Medyo nakakakilabot na. Shit!
"Mula ako sa ika-labing-siyam na siglo sa lugar ng San Antonio. Nilakbay ko ang nakaraan hanggang dito sa kasalukuyan upang humingi ng tulong."
Kumunot ang noo ko. "Ika-lab---what? Ang lalim ng tagalog mo, Miss. Ano nga ulit? Wala bang translation?"
"T-translation? Hindi ko alam kung ano ang iyong tinutukoy, Ginoo. Mula ako sa ika-labing-siyam na siglo," sabi niya saka nito inimuwestra sa daliri ang bilang na one at nine.
"Ah, you mean, nineteen? Wait, what? Nineteenth century? Are you kidding me?"
Nakita ko ang pag-aalangan sa kanyang itsura. Mali ba ako? Tama namang nineteenth century, 'di ba?
BINABASA MO ANG
Miss 1890 In Modern Times
AdventureSa taong 2017 ay makikilala natin si Jose Antonio Balmaceda, isang lalaking madiskarte at pasaway na mapaglaro sa pag-ibig. Ngunit paano kung sa kanyang paggising ay may biglang nasa harapan niyang isang napakagandang dalagang naka-baro't saya na na...