-❀ ᴍᴀɢʙɪʟᴀɴɢ ᴛᴀʏᴏ

28 0 0
                                    

Una,
Uunahin lagi ang Panginoong Jesus.

Pangalawa,
Pangalawa sa importante sa kanya ang pamilya niya, at malapit siya sa pamilya niya dahil kung paano niya itrato ang pamilya niya, ganoon din ang magiging trato niya sayo at sa magiging pamilya ninyo.

Pangatlo,
Pangatlo ka sa kanyang listahan nang minamahal niya ngunit dapat intindihin mo iyon, dahil nandyan na sila bago ka pa man niya makilala.

Apat,
Apat na beses mo man siyang itaboy papalayo sayo, andyan pa rin siya at handang mag-antay para sayo.

Lima,
Limang araw man kayong walang komunikasyon ay hindi niya magagawang makipaglandian sa iba.

Anim,
Anim na beses mo man siyang pagsalitaan nang masasakit na salita, hinding hindi niya magagawang magalit sayo dahil kung mahal ka niya, maiintindihan ka niya. Kasi alam niyang tinotopak ka lang dahil sa meron ka at kulang ka lang sa lambing.

Pito,
Pitong oras ka man niyang inantay sa kitaan ninyo, hindi iyon magiging dahilan ng pagbibreak up ninyo.

Walo,
Walong lalaki man ang iyong inirog, hindi iyon sukatan upang layuan ka niya at humanap nang iba.

Siyam,
Siyam na lalaki man ang gumahasa sayo, hindi ka niya pandidirihan kahit kailan man.

Sampu,
Sampung babae man ang iharap mo sa kanya, hinding hindi niya magagawang ipagpalit ka kahit plat ka man, at hugis poste ka.

—✍ ᴄʜᴀʙᴇ04

TULA PARA SAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon