Sabi nila'y ako'y isang aksidente lamang,
Hindi ginusto nang aking mga magulang na ako'y isilang,
Ang buhay ko'y walang saysay lamang,
Hindi naman kasi ako tanggap ng aking mga magulang.Pilit kong ibinaling sa iba ang aking atensyon,
Pinili kong makipagrelasyon sa kapwa ko kabataan,
Hindi naglaon nagkaroon ng bata sa aking sinapupunan,
Nagpakasal kami dahil akala namin iyon ang solusyon.Lumipas ang taon, iba na ang aming situwasyon.
Kami'y naging tulak ng droga at gumagamit na rin nito,
Upang maibsan lamang ang gutom na nararamdaman,
May pagkakataon na kami'y nahuli ng mga pulis na gumagamit nito.Habang kami'y nakakulong sa bilangguan,
Nabalitaan na lamang namin na ang anak nami'y namatay na,
Hindi nakayanan ng aking asawa't nagpatiwakal siya.
Ang sakit isiping ganito ang sinapit ng buhay namin.—✍ ᴄʜᴀʙᴇ04
BINABASA MO ANG
TULA PARA SAYO
PoetryCopying from one person is plagarism but if it's more than one, it's called research. So, I came up with my conclusion after a research. - said Calvin Jeremy Martinez