-❀ AKALA

16 0 0
                                    

Akala ko mahal mo ako,
Pero hanggang akala lang pala iyon,
At isiping may pake ka sa akin ngayon,
Naging ilusyunada lang pala ako.

Isa kang paasa aking sinta
Ngunit kahit ganoon mahal pa rin kita
Masakit man makitang iba ang kasama mo at hindi ako,
Heto pa rin ako at hindi sumusuko.

Hindi inaalintana ang sakit na nadarama,
Basta magkaroon lang ako ng oras na ikaw ay kasama,
Hindi mo man ako masabihan nang mahal kita,
Patuloy pa rin kitang mamahalin aking sinisinta.

TULA PARA SAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon