Bakit ako naririto sa mundo?
Isa nga lang bang aksidente ang lahat?
O ako nga ba'y may layunin dito sa mundo?
At paano ko ito malalaman? Saang aklat?Sabi nila'y ang lahat ng naririto sa mundo ay may layunin,
Layunin na dapat itong tuklasin,
Hindi man planado ng magulang ko na uluwal ako,
Pero Siya'y inaasahan na raw ang pagsilang ko.Totoo nga ba ito?
Dapat nga ba akong maniwala dito?
Paano kung ito'y sabi-sabi lamang?
At kwentong barbero lang?Duda ang bumabalot sa buong pag-iisip ko,
Hindi ko magawang maniwala't manindigan,
Baka masayang lang ang aking paghihirap dito,
Sapagkat hindi pa naman ito kailanman napapatunayan.Isa pa'y gulong-gulo na rin ang isipan ko,
Marami nang nagkalat na relihiyon ngayon,
Hindi ko malaman kung saan ba dapat umayon,
Bakit ba kasi kailangan pa na dumami ang relihiyon,
Kung iisa lang naman ang napako.—✍ ᴄʜᴀʙᴇ04
BINABASA MO ANG
TULA PARA SAYO
PoesiaCopying from one person is plagarism but if it's more than one, it's called research. So, I came up with my conclusion after a research. - said Calvin Jeremy Martinez