-❀ Ꭺ Ꮇ Ꭺ

19 0 0
                                    

Ama, patawad kung lumayo ako sa piling mo.
Ama, patawad kung naging makasarili ako.
Ama, patawad kung mas minahal ko siya kumpara sayo.
Ama, patawad kung hindi ako nakinig sa mga payo mo.

Hindi ko manlang inisip ang mararamdaman mo,
Hindi ko manlang inisip ang kahahantungan ko,
Hindi ko manlang inisip na napapalayo na ako sayo,
Hindi ko manlang inisip na lumalala na pala ako.

Pero ngayon natututo na ako, Ama.
Hindi ko na pala kailangan ang mga makamundong bagay.
Sapagkat ikaw lamang ay sapat na't iyong mga gabay,
At alam kong hinding-hindi mo ko hahayaang mapasama,

Kaya Ama, naririto muli ako ibinababa ang aking sarili;
dahil alam kong ako'y nagmali sa aking desisyon na pinili,
Sana'y tanggapin mo muli ako't hagkan nang mahigpit,
Sapagkat ako'y durog ngayon dahil sa mga problemang aking sinapit.

—✍ ᴄʜᴀʙᴇ04

TULA PARA SAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon