Nagsimula sa tanungan ng pangalan,
Hindi naglaon tayo'y naging magkaibigan,
At ako'y minahal mo nang palihim,
Ngunit hindi nagtagal, ika'y umamin sa'kin.Pangalawa'y nanligaw ka sa akin,
At saglit lang, ika'y sinagot ko na rin.
Nagsumpaan na walang iwanan,
At problema ma'y dumating magkasama itong susulusyunan.Masaya ang ating relasyon,
Hanggang sa uunti-unti ika'y nanlimig.
Pilit kong inaayos ang ating sitwasyon,
Ngunit tila ba'y bigla na lang nawala ang iyong pag-ibig." Maghiwalay na tayo ", huli mong sambit,
Ibig ko man malaman ang paliwanag mo,
Ngunit isang ngiti lamang na may kasamang pait,
Ang nakita mong sumilay sa mukha ko.Malaya ka na aking sinta,
Sabi ko sa isipan kong gulong-gulo sayo,
Habang pinagmamasdan kang lumalakad papalayo,
Pero asahan mong mamahalin pa rin kita.-✍ ᴄʜᴀʙᴇ04
BINABASA MO ANG
TULA PARA SAYO
PuisiCopying from one person is plagarism but if it's more than one, it's called research. So, I came up with my conclusion after a research. - said Calvin Jeremy Martinez