A-aalalahanin ko ang mga panahong ika'y kasama pa,
Ba-babaliwalain ko ang masasakit na salitang binitawan mo, sinta.
Ka-kahit anong mangyari mananatili ka dito sa puso ko,
Da-dahil minahal din kita, di ba sinabi ko yo'n sayo?E-Ewan ko ba pero unti-unti na lang nawala itong pagmamahal ko,
Ga-gaano ko man pilitin maibalik lang ang aking pag-ibig para sayo,
Ha-Habag na lang ang tanging natitirang emosyon, kaya wala nang tayo.
I-iiwan na kita, sana'y matanggap mo ang desisyon ko.La-lalayuan na kita, para tuluyan mo na akong makalimutan,
Ma-marahil ibaling mo rin na sa iba ang iyong atensyon,
Na-nararamdaman mo para sa 'kin ay nababaliwala ko na, pansin mo ba yo'n?
Pa-patawad, sapagkat nang dahil sa 'kin nasasaktan ka ngayon.Ra-rason ko ma'y napakadaya para layuan ka,
Sa-sana'y hindi ka magtanim ng galit at ito'y iyong makaya,
Ta-tapos kapag nagkita tayo'y ngiti ang sumilay sayong labi,
U-upang mapanatag ang kalooban kong ika'y napabuti.Wa-wala man naging ikaw at ako sa dulo,
Ya-'yaan mo, naging magkaibigan naman ngunit 'di na talo.—✍ ᴄʜᴀʙᴇ04
BINABASA MO ANG
TULA PARA SAYO
PoesiaCopying from one person is plagarism but if it's more than one, it's called research. So, I came up with my conclusion after a research. - said Calvin Jeremy Martinez