Alaala

113 4 0
                                        

Iniwan mo man akong bigo,
Puno ng mga alaalang sa puso ko'y naitatago.
Pagmamahal mo ay isang karangalan,
Na minsan sa buhay ko ika'y nagdaan.

Mga pangarap nating binuo,
Sa paglisan mo man ay naglaho.
Hindi ito isang dahilan,
Upang ika'y aking makalimutan.

Sa pagsikat ng panibagong umaga,
Hindi man kita kasama.
Sana baon mo parin ang ating mga alaala,
Pagkat sa puso ko ikaw ay di na mabubura.

Salamat sa Panginoon,
Na ako'y binigyan ng pagkakataon.
Na minsan makatagpo,
Ng isang katulad mong nagmahal sa akin ng totoo.

-SweetRose0320-

The Cry Of The Lost HeartWhere stories live. Discover now