Chapter 4 : His Secret

697 15 2
                                    

Chapter 4 : His Secret

Janella's POV

Dumaan ang dalawang linggo. Itong mga nakaraan, Sweet siya at maalaga.

"Elle?" tawag sa akin ni Paul.

"Hmmm.."

"What if makita mo kong may kasamang iba? Paano kung may nagugustuhan akong iba? Ano gagawin mo?" Nang dahil sa tanong niya biglang nakaramdam ng kaba. Paano nga ba? Tinatanong ko din yan sa sarili ko eh.

"Hmm siguro lalayo ako pag may kasama kang iba at kung may magustuhan kang iba? I'll set you free siguro kahit masakit. That's love eh. They say na if you love someone, learn to let them go." seryoso kong sagot.

"Hindi mo ko ipaglalaban?" May halong pagtataka niyang tanong.

"Bakit kita ipaglalaban eh may mahal ka na nga di ba?" sagot ko habang nakatingin sa malayo.

"Mahal kahit anong mangyari ah. Tandaan mo minahal kita. Tsaka sa Junior Senior Prom. ah sayaw tayo kahit anong mangyari isasayaw kita." Tumahimik nalang ako. Nadadama ko na malapit na, minahal? so it means past tense yun! Minahal niya ko.. Siguro ngayon hindi na.

        "Tara na. Wala ka na namang gagawin di ba? Di ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. I want to change the topic. I want to break the silence between us.

        "Wala na. Ikaw uuwi ka na ba?" Sagot at tanong niya sa akin. Ang bigat sa dibdib ko na mas pinaparamdam niya sakin na gusto niya na wakasan ang relationship namin.

        "May seminar ako eh. Sabay na tayo palabas" pag aanyaya ko sa kanya.

        "Ah sige" matipid niyang sagot. May something talaga eh. Dati pag nagpapaalam ako sa kanya madami pa yang sasabihin bago ako umalis pero bakit ngayon? Ang cold nanaman niya.

         "Sana mali yung iniisip ko." sabi ko sa sarili ko out of nowhere.

        "May sinasabi ka?" napalakas ata pagkasabi ko, tsk naku!

        "Huh? Wala nakanta ako. Oo tama nakanta ako" *Fake Smile*

        "Sakay ka na ."


        "Ah sige po ingat ka ha" pagpapaalam ko sa kanya.

Paul's POV

        "Ah sige po ingat ka ha." pagpapaalam niya at nag wave lang ako ng kamay

        Ako nga pala si John Paul Beltran . Mahirap lang kami. Mayabang, maangas, kapal ng mukha lahat na ata ng paninira ginagawa nila sa akin. Pero may isag babae na naniniwala na hindi ako ganoong tao at si Janella yun. Sobrang bait niya . Lahat nasa kanya na, 3 years na kami pero hanggang ngayon hindi ko pa name-meet ang parents niya.

*1 Message recieve*

From; Maricris <3

 Hey bhabe ! san ka kita tayo sa ******* Now na I Love you :*



To; Maricris <3

Bhabe papunta na ko . I Love you too :*

Sa ****** Mall

        "Babe andyan ka na pala. I thought mamaya ka pa." gulat na sabi ni Maricris sa akin.

        "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

        "Sa condo ni Ate . Tara walking distance lang yun dito" 

        Si Maricris, medyo marangya ang pamumuhay niya dahil naka-abroad ang dalawa niyang ate at tatlong kuya. Mahal ko siya. Oo tama mahal ko siya at si Elle hindi ko na talaga siya mahal. almost 2 months na kami ni Maricris, sasabihin ko na naman talaga kay Elle ito eh.  Humahanap lang ako ng tiyempo. Alam ni Maricris ang tungkol sa amin ni Elle pero buti na lang at naiintindihan niya ko.

        "Babe ikot ikot muna tayo ah may bibilhin kasi ako sa Yussey Botique na sapatos eh" si Maricris napakaluho niya talaga kahit kelan.

        "Sure babe, tara na."

        Habang naglalakad kami eh nag haharutan kami at naka-angkla sa akin si Cris short for Maricris. Nang bigla kong naramdaman na may nakabangga sa amin. At dahil  sa inis ko bigla kong sinigawan yung nakabangga sa amin.

         "ANO BA HINDI KA BA MARUNONG TUMINGIN SA DINADAANAN MO." 


        "Sorry hindi ko naman kasi nakita . Pasensya na." mahina nitong sagot habang nakayuko.

        "SA SUSUNOD TINGAN MO DINADAANAN MO WAG KANG TATANGA TANGA."


        "Pasensya na talaga nagmamadali lang ako." at bigla niya akong hinarap. Nagkatitigan kami ngayon.

        "Elle?" gulat kong sabi. Hindi panaginip lang ito. Namamalikmata lang ako.

        "Babe siya ba yun? I think it's the right time to tell her." sabi ni Maricris, nagmamaang maangan lang si Maricris pero kilala niya talaga si Elle dahil magbestfriend sila.

        "Paul. I am so happy for you and don't worry I will be ok. Enjoy your day guys. I gotta go." sabi niya sabay tumakbo paalis . Nakita ko yung mata niya umiiyak siya .

         Teka. May hika yun! baka mapaano siya. Kahit ganto pa man ang kinahantungan ng relasyon namin ay concern pa din ako sa kanya. 

        "Babe sundan ko lang siya may hika yun baka anong mangyari sa kanya. Hindi kaya ng konsensya ko pag may nangyaring masama sa kanya." sabi ko kay Maricris per mukhang malabo ito na mapapayag.

        "Wag na bhabe sabi niya nga di ba ok lang siya. Tsaka di naman na kayo kaya ok lang yan tara na."

        Oo nga hindi ko siya kargo . Tama dapat magsaya na lang kami ni Cris. Masyado kasing birhen itong si Elle Perfectionist lang. Di kami bagay. Sawang sawa na ko sa kanya.

(A/N : Paul and Maricris on the right side)

The Good Girl Become Heartless (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora