"I'm sorry Miss Reika, napaaga ang pagdating ko.hindi ko rin inaasahan na mangyayari ito eh." Hinging paumanhin ni ms. Belle sa kanya,nakaupo ito sa pinakasulok ng kanyang shop.
"Naku, wala po iyon sa'kin ms. Belle, tutal naman nakahanda na ang mga orders mo kagabi pa lang." nakangiting saad niya habang inaabot ang sampung kahon.
Ngumiti ito sa kanya.
"Well, what will I expect from Reika Gonzales, the owner of the famous Maid Cafe. You're really a great pastry chef." She commented.
Tumaba naman ang puso niya sa compliment nito, magdadalawang taon na rin simula ng maging suki niya si Ms. Belle at ang Hanjin Hotel, palagi siyang nakakatanggap ng magagandang komento mula sa mga bisita ng nasabing hotel, isa nga sa naging dahilan daw ng pagdami ng costumers ng hotel ay dahil sa binabalik balikan ng mga ito ang mga gawa niyang cakes at cookies na inihahanda ng mga ito sa mga costumers every break fast. So then, weekly na itong umoorder sa kaniya.
"Thanks ms. Belle." Nakangiting saad niya.
Napansin niya ang paglinga linga nito, maya maya ay nagsalita.
"Kita mo nga naman, akala ko tuwing weekdays lang matao sa shop mo
pero pati pala weekends ay dinudumog ito ng tao." Muling komento nito.
Ibinaling niya ang tingin sa mga costumers ng shop niya, ngumiti siya ng makitang halos okupado na ang lahat ng lamesa roon.
Hindi niya mapigilang matuwa, totoo naman kasi ang sinabi nito, noon ay weekdays lang nagiging matao ang maid café dahil sa mga costumers niya na bago pumasok sa eskwelahan o sa trabaho ay doon na nagbe-break fast, ginagawa ring tambayan ng mga kolehiyalang babae ang kanyang coffee shop sa hapon kaya hindi siya nawawalan ng costumers.
Maya maya ay naagaw ang atensyon niya nang biglang umingay sa loob ng shop.
"Naiintindihan ko na ngayon, may secret weapon ka palang tinatago. Matalino ka talaga ms. Reika." Komento muli ng babae sa tabi niya, kunot noong sinundan niya ang pinagkakaabalahang tingnan nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang lalaking kalalabas lang ng pantry habang may hawak na tray.
It was KAIZER.
Hindi niya napigilang humanga, He really looks so handsome in his butler suit though he hides his face using the half mask.
Pakiramdam tuloy niya ay kaisa siya sa mga kababaihan doon sa nararamdaman ng makita ang binata.
The man had the power to catch every woman's attention.
"Kailan ka pa nagkaroon ng bagong staff? Hindi ko alam na matalino ka rin pagdating sa good marketing." Komento nito.
Natawa naman siya ng ilipat niya ang atensyon sa babae.
"Hindi na ako nagtataka kung bakit hindi ka nawawalan ng costumers ngayon bukod kasi sa masasarap mong cakes at cookie at sa magandang ambiance ng shop mo idagdag din ang mga kakaibang uniforms ng staffs mo, may magandang tanawin din palang makikita sa loob ng shop mo. He was the most captivating man I've ever seen." She commented while her eyes flickering at times.
Muli ay binalingan niya ang tinitingnan nito, this time ay napasimangot na siya ng makita niyang nasa grupo na ito ng mga kolehiyalang babae na madalas na nakikita niyang tumatambay sa shop niya.
It's obvious! They were flirting with Kaizer! Her mind screamed.
Ewan ba niya kung bakit bigla siyang nabanas sa nasasaksihan, nawala ang pagkamahinahon niya.
BINABASA MO ANG
FLOWER PRINCE TRILOGY 1: KAIZER, My Butler Prince
RomanceReika Owned a coffee shop, tahimik ang buhay niya bilang isang kilalang businesswoman at may ari ng sikat na Maid café. Maid Café was her dream business at dahil nag boom kaagad iyon ay wala na siyang maihihiling pa, she get what she wanted, her dr...