'Throw back memories'

1.9K 45 0
                                    

"Reika! We miss you girl!"

Narinig niyang tinig mula sa entrance ng coffee shop, alas sais na iyon kaya wala nang tao sa loob ng shop niya.

Hindi naman niya inaasahan na makikita niya ang mga kaibigan niya, sina Allie at Ynna, her college friends.

"Girls!" masayang bulalas niya.

Kaagad silang nagyakapang magkakaibigan ng salubungin niya ang mga ito.

"I miss you too!" aniya

"You look pretty in your maid costume" masayang komento ni Ynna sa kanya ng paupuin niya ang mga ito.

Sinulyapan naman niya ang sarili mula ulo hanggang paa pagkuwan ay nakangiting tumingin kay Allie.

She wore pink frock maid dress.

"Of course! Allie made it for me."

Maya maya ay nakaupo na sila sa isang sulok at nagkwentuhan.

"Next month na ang kasal ko, nagpunta na rin ako dito para sabihing kasama ka

sa mga maid of honors ko." pagbabalita nito, natuwa naman siya.

"Talaga? Wow! nae-excite naman ako para sa'yo Allie." Bulalas niya

"Salamat! Teka nga. Ikaw kamusta ka na? hindi ka pa rin ba nagkakaboyfriend?" pag iiba nito sa usapan.

Nawala naman ang mga ngiti sa labi niya.

"Don't tell me wala pa nga?" ani Allie.

Napasimangot na siya ng tuluyan.

"Wala pa sa bokubularyo ko ang magkaboyfriend, tutal naman busy rin ako sa shop ko."

Liar! May mahal ka na kasi subalit hindi naman kayo maaring magkatuluyan, bigla ay nanlumo siya sa naisip.

"Hey, you're not getting any younger Reika, paano ka naiinspire sa ginagawa mo kung wala ka namang pag ibig?" komento naman ni Ynna

"Kailangan ba na may pag ibig para ma inspire? Ang maid cafe at ang ginagawa ko ang nagpapasaya sa'kin ngayon so hindi ko talaga kailangan ng lalaki sa tabi ko, tutal ngayon ko lang din nae-enjoy ang pagiging independent woman ko at nakikita kong I'm much better than before na masyadong dependent sa mga taong nakapaligid sa'kin."

Totoo lahat ng sinabi niya, lumaki siya na palaging may tulong ng iba, mula pagkabata ay dependent na siya, hindi niya kayang harapin ang buhay niya na walang taong nakasuporta sa kanya, she used to be a weak woman and dependent, madali siyang umiyak at sumuko sa mga pagsubok na dumarating sa buhay niya noon.

"Sinasabi mo lang iyan, teka ano ng nangyari sa pag amin mo noon sa lalaking gustong gusto mo?" ani Ynna

Para namang tinadyakan ang puso niya, hindi niya akalain na sariwa pa sa puso at alaala niya ang sugat ng kahapon, pilit na niya iyong iwinawaksi sa isipan subalit hindi pala niya kayang kalimutan ang bagay na iyon.

And then flash back struck her.....

"Another picture of him."

Kinikilig na bulalas ni Reika habang tinititigan ang bagong picture na binili niya kanina sa photograpy club o mas kilalang camera club sa university na pinapasukan niya.

Pinaglaban pa niya ang nag iisang litratong iyon ng isa sa pinkasikat na host club member na si Kaizer Aldena laban sa maraming kababaihang nahuhumaling sa mga host club men.

Mabuti na lamang at may naabutan pa siya dahil sold out kaagad ang mga bagong litratong inilabas ng nasabing club.

Weekly ay may bagong litratong nilalabas ang mga ito at pinagbebenta sa mga estudyante sa loob at maging sa labas ng university.

FLOWER PRINCE TRILOGY 1: KAIZER, My Butler PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon