Maid café Stand still

1.5K 43 0
                                    

Sa di kalayuan......

Para namang sumabog ang puso ni Reika habang nakatayong nakatingin sa dalawa, pakiramdam niya ay nadurog iyon ng pinong pino.

Kusa ring dumaloy ang mga luha niya habang pilit na pinatatag ang sarili, this time she need to face the hurtful reality, isang katotohanang sumasampal sa kanya na may ibang mahal na ang lalaking mahal niya.

So, talagang kailangan mo na siyang kalimutan sa ayaw at sa gusto mo Reika. Ikaw lang kasi ang makulit na patuloy siyang mahalin, sinabi na ngang kalimutan mo na siya, hayan kailangan mo pang maramdaman ang matinding sakit na yan.

"Mamayang hapon na ang flight ko pabalik ng states, sigurado ka ba na okay ka na Reika?" tanong ng ate niya.

Lulan sila ng sasakyan patungo sa kanyang bahay, halos isang linggo rin siya sa rest house sa tagaytay, kanina paggising niya ay niyaya na kaagad siya ng ate niya na bumalik na sa maid café, iyon din ang gusto niya dahil hindi na rin niya kaya pang manatili doon, kapag nakikita niya si Kaizer ay lalo lang siyang nasasaktan.

Sila lang dalawa ng ate niya ang nasa sasakyan at nabanggit nito na nauna nang bumalik sa maynila ang binata dahil may importante raw itong aasikasuhin.

Tahimik na tumango lang siya.

Hindi na nagtanong pa ang kapatid niya subalit napansin niya na panay ang pagsulyap nito sa kanya.

''By the way Reika, one of this day ipakikilala ko sa'yo ang lalaking pakakasalan ko, ang lalaking mahal na mahal ko'' May kakaibang kislap siyang nakita sa mga mata ng kanyang ate.

Parang libo libong sibat ang tumusok sa puso niya.

Her heart was bleeding inside.

Iniiwas niya ang tingin sa kapatid at namintana. Trying to hide her feelings pero ramdam na ramdam niya ang pangingilid ng luha niya

"Are you okay Reika? Pakiramdam ko may dinaramdam ka pa rin? Natatakot ka pa rin ba sa nangyari? Kung gusto mo doon ko muna patitirahin sa bahay mo si Kaizer." Nag aalalang saad ng kapatid.

Mabilis ang naging pagsagot niya.

"No!"

Ayaw na niyang mapalapit ng husto sa binata dahil mas masasaktan lang lalo siya.

kunot noong tinitigan siya nito

"Reika? May problema ka ba kay Kaizer?" tanong nito, tigas na umiling siya

"W-wala, nakakahiya lang sa kanya ate, palagi na niya akong binabantayan, baka nakakaabala na ako sa kanya, h'wag mo na lang akong ihabilin sa kanya, doon ko na lang patitirahin sina Clarisse at Juliet sa café para may makasama ako." hindi naman nagsalita ang ate niya subalit napansin niya na panay pa rin ang kakaibang tinging ipinupukol nito sa kanya.

At Maid Café...

Ganon na lamang ang panggigilalas ni Reika nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng café niya.

Ilang ulit pa niyang kinurap kurap ang mga mata.

Am I dreaming?

Inaasahan niya na isang abandonadong café ang maabutan niya dahil sa nangyari noong nakaraang linggo.

Alam niyang sarado na ang café niya at hindi niya alam kung makakabangon pa ba iyon pagkatapos ng kahihiyang inabot niya sa mga costumers niya pero sa mga sandaling iyon pakiramdam niya ay grand opening ng maid café sa dami ng tao.

Mayroon pa ngang extension tables sa labas ng shop, may ilang umbrella tent doon at halos mapunan na rin ng tao.

It was unbelievable sight.

Doon siya dumaan sa back door at mula sa pantry ay pinanlakihan siya ng mga mata nang makakita siya ng tila mga artistang pinagkakaguluhan, mga matatangkad at makikisig na lalaki .....na bagaman nakasuot ng butler suit at half mask ay umaapaw pa rin ang mga karisma.

What's going on here?

Anong mayron at naroon ang lahat ng miyembro ng host club men?

"Miss Reika!" masayang bati sa kanya nina Clarisse at ng ibang female staffs niya. "Anong nangyayari? Kailan pa nagbukas uli ang shop?" takang tanong niya.

Lumabas ng pantry ang ate niya at nakiumpok sa mga gwapong lalaki na abala sa pagi-entertain sa mga costumers.

"Kahapon pa, nagtaka rin nga ako ng makatanggap ako ng text na may pasok na nga kahapon at ganon na lang ang pagkagulat ko ng makita ko ang mga naggagwapuhang lalaking yan!" kinikilig na sabi ni Clarisse

"Ang sabi ni Jiroh tinawagan siya ni Kaizer noong nakaraang araw pa dahil nga magbubukas uli ang maid café." Ani naman ni Juliet.

Nagulat siya sa sinabi nito

"Ha? Si Kaizer?"

"Si Kaizer daw ang lahat ng nag asikaso ng café mo, siya rin ang nagrenovate nito kasama ang mga gwapong lalaking iyon at ang alam ko naayos na ang tungkol sa food poisoning, napatunayan na may gusto lang sumira sa'yo at sa maid café kaya bumalik ang tiwala ng mga costumers mo at mukhang mas dumami pa iyon, malaking tulong din ang ginawang pagmamarket ng mga gwapong butlers mo sa pagbubukas ng café kahapon, kaya magmula pa kahapon ay marami nang tao dito atsaka h'wag ka ng mag alala, pinaghahanap na si Niko ng mga pulis." muling salaysay ni Clarisse.

Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Si Niko? bakit?"

"Siya ang sumabotahe sa shop mo, ang reliever na si Niko. naku! Kaya pala ang bigat bigat ng loob ko sa lalaking iyon!" may inis sa tinig ni Clarisse

Natutop niya ang bibig, hindi siya makapaniwala na ang bago niyang staff ang gumawa niyon sa kanya pero bakit naman nito iyon gagawin?

Wala siyang kaide-ideya kung anong dahilan nito.

Sa kabilang banda, hindi rin siya makapaniwala na si Kaizer ang lahat ng gumawa niyon.

Si Kaizer nga pala. Nasaan na siya?

She looked around and when she saw him her heart hammering, sa kabila ng mga naggagwapuhang lalaking kaumpukan nito

Nanatili pa rin itong umangat sa paningin niya, iba ang hatid na dulot ng tibok ng puso niya pagkakita niya sa bulto nito, tila yata nakalimutan niyang may commitment na ito sa iba at sa kapatid pa niya, nakalimutan niyang hindi niya kailanman maaangkin ang binata.

Ano bang magagawa niya kung ang puso niya ang ayaw tumigil sa pagtibok nito?

Ayaw nitong kalimutan ang binata, si Kaizer lang ang kilala ng puso niya.

Kahit gusto niya itong lapitan at yakapin ng mahigpit dahil sa ginawa nito pinigilan pa rin niya ang sarili niya lalo pa't nakikita niyang kausap na naman nito ang kapatid niya,

Naalala na naman niya ang sinabi ng kapatid, na ipakikilala nito sa kanya ang lalaking pakakasalan nito at iyon ang hindi yata niya kayang tanggapin.

Hindi niya napigilan ang mga luha niya.

Bakit sa kabila ng lahat ay mahal na mahal pa rin niya ang binata.

Mahal na mahal niya si Kaizer......

Nang mapansin niyang tumingin ang mga ito sa gawi niya ay mabilis siyang tumalikod, ayaw niyang makita ng mga ito kung gaano siya naaapektuhan lumabas siya sa backdoor.

She was crying with so much pain.

Nasasaktan siyang makita na magkasama ang dalawa, hindi pa rin niya kayang pilitin ang sariling okay lang siya, tanggapin ang lahat dahil hayun siya at nagdurugo ang puso.

FLOWER PRINCE TRILOGY 1: KAIZER, My Butler PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon