"Good morning miss Reika!" masayang bati ng mga staffs niya.
Kalalabas lang niya ng dressing room at katatapos lang niyang magbihis ng uniform niya.
"Good morning!" ganting bati niya.
Nagtaka naman siya ng may iabot sa kanya si Jiroh.
It's a basket of flowers.
"Galing sa dulong table, kanina pa raw siya sa labas at nauhan pa niyang magbukas ang shop." Ani Jiroh
Kunot noong binasa niya ang nakasulat sa maliit na card.
Hi,
I'm sorry for not seeing you yesterday.
Adam
"Galing sa suitor mo." Panunukso ni Jiroh bago pumasok sa dressing room para magbihis ng uniporme nito.
Naiiling na ipinatong niya ang mga bulaklak sa ibabaw ng fridge at kinuha naman niya ang menu sa harap ng counter bago lumabas ng pantry.
Kaagad naman niyang nakita ang isang bulto ng lalaki na nakaupo sa dulo ng lamesa habang nakatalikod sa kanya, dahil salamin lang ang dingding ng shop niya ay nasa labas ang atensyon nito habang nakatingin sa mga taong nagdaraan doon.
Malaya niyang napagmasdan ito, kahit nakatalikod masasabi niyang maganda rin ang pangangatawan nito, matangkad din ito sa pangkaraniwang taas ng mga lalaki.
Kahit na nakasuot lang ito ng strife na tshirt ay maganda pa rin nito iyong nadadala.
Adam Pajares is one of a hot guy in the country kaya hindi nakapagtatakang kilala rin itong playboy.
Alam niya na marami itong dine-date na babae kaya nga laking gulat niya ng minsang mapadaan ito sa shop niya at kumain ng breakfast ay naging madalas na ang pagpunta nito.
Hindi naman niya napansin na wala ito kahapon sa shop, well hindi naman talaga siya interesado sa lalaki.
Kasi isang lalaki lang ang nilalaman ng puso ko!
Eksaktong nakalapit na siya dito ng sumulyap ito sa kanya, kaagad na may pumagkit na ngiti sa mga labi nito.
"Hi beautiful!" bati nito
Ngumiti lang siya ng tipid dito.
"Here's the menu." Aniya at binigay ang menu sa binata
"Nah, hindi mo man lang yata ako namiss." Anito habang inabot ang menu.
Muli lang niya itong nginitian.
"Tsk, your smile really makes me happy kaya hindi na ako sanay na hindi ka nakikita.
Kahapon ay nasa Davao ako pero pakiramdam ko isang taon na kitang hindi nakikita."
Ang mais!
Kahit na gusto na niya itong iwanan ay nanatili lang siya sa harapan nito at pilit na nakangiti.
Makakita lang siya ng isang staff niya na lumabas sa pantry ay magpapa assist siya roon, mukhang umaarangkada na naman ang pagpapahangin nito sa kanya at hindi niya gustong umabot sa puntong mag walk out na siya sa harap nito.
Ngayon pang isa isa nang pumapasok ang mga costumers niya.
"Ano bang ginawa mo sa Davao?" tanong niya.
Kailangan siguro niyang sakyan ito kahit papaano.
"I attend an important seminar for my business. Sayang din baka magamit ko sa restaurant ko." anito
BINABASA MO ANG
FLOWER PRINCE TRILOGY 1: KAIZER, My Butler Prince
RomanceReika Owned a coffee shop, tahimik ang buhay niya bilang isang kilalang businesswoman at may ari ng sikat na Maid café. Maid Café was her dream business at dahil nag boom kaagad iyon ay wala na siyang maihihiling pa, she get what she wanted, her dr...