I know that she loved me at one time. Would I promise her that night?
"Calyx!" Magagaang hakbang at mahihinang hagikhik. Ang mga mata niya'y nagliliwanag sa tuwing lumilingon siya saakin.
Agad ko siyang sinalubong ng yakap at pinuno ng halik. Normal na saaming dalawa na maging ganito sa tuwing nagkikita kami.
At kagaya ng nakagawian ay maghapon lamang kaming mahihiga habang nanonood ng iba't ibang klase ng pelikula. Nagpapakalunod sa piling ng bawat isa at hinihiling na hindi na matapos ang oras.
"I love you Calyx" bulong niya ngunit napakalakas ng naging epekto saakin nito.
I don't deserve this. How did I get this lucky to have her with my side?
Biglang dumilat ang mga mata ko nang marinig ko ang isang pamilyar na tunog. Sinapo ko ang dibdib ko kasabay ng paglingon sa idinidisplay na litrato ng cellphone ko.
"Hanggang panaginip nalang ba" bulong ko bago tumayo at napagpasiyahang maghanda na para sa panibagong araw.