I know what you did last summer, look me in the eyes my lover.
♀
"Caroline are you crying?" Napakasama kong tao. I don't deserve this life. I left him. I freaking left him alone. Paano ko nagawa 'yon. Napaka-walang kwenta ko.
"Don't mind me Geo. This is nothing, I'll just go to my room" After all the good deeds he have done. After giving his all to me. Ganito pa ang ginanti ko. I am the pathetic one, not him.
"I'll be gone for a while Caroline. Tawagan mo nalang ako kung may gusto kang ipabili" Ibinaon ko sa mga kamay ko ang aking nukha at hinintay na marinig ang pagsara ng pinto, simbolong nakaalis na si Geo.
Dali dali akong tumayo at inayos ang sarili ko. Hindi rin naman siguro ako hahanapin ni Geo kapag nawala ako ng saglit. Kailangan ko lang talagang tumakas sa mga pangyayari ngayon.
⌛⏳⌛⏳Ika–4 ng Abril, ang petsa kung saan nagsimula ang lahat. Sa isang maliit na salo salo dumapo ang tingin ko sa isang lalaking nakasuot ng asul na damit.
Nakakaengganyo ang ngiti niya at ang mga mata niyang kumukurba sa tuwing siya ay nasisiyahan. Ang maitim na kulay ng buhok niyang sumasalungat sa napakaputi niyang balat. Ganito siguro ang pakiramdam ng sinasabi nilang love at first sight.
Naaalala ko pa noong una niya akong niyayang lumabas. Pinamumugaran ng mga paru-paro ang aking tiyan. Napakagaan sa pakiramdam na alam kong kapiling ko siya. At nang lumuhod siya sa harap ko sa gitna ng maraming tao upang angkinin ako bilang sakanya? Labis na tuwa ang naramdaman ko.
Ika–4 ng Abril, napakalaki ng ganap ng petsang ito sa buhay ko. Naging mabilis ang mga pangyayari. Sigawan, tampuhan na nauwi sa pagkakamit ng kasalanan. Masyadong naging mapusok ang aking damdamin at hindi na inisip ang patutunguhan ng mga pangyayari.
Ika–4 ng Abril, buwan ng tag-init. Isang masayang araw para sa ilan ngunit dito nagsimula ang aking kataksilan. Simula't sapul pa lamang alam ko nang ako ang mali.
Ngunit wala namang masama hanggat hindi niya ito nalalaman hindi ba?
"Caroline?" Ngayon, ika–4 na araw ng buwan nakita ko nanaman ang lalaking naka-asul. Ngunit ngayon ay wala nang bahid ng kasiyahan sa mukha niya.
Natuyong luha, mapupulang mga mata.
At paulit ulit na pagsabi niya saakin ng bumalik ka na.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at dahan-dahan itong hinagkan. "Calyx naging masaya ako sa mga araw na nakasama kita pero tanging paghihirap lamang ang naidulot ko sa'yo. Patawarin mo ako" Muli ay tumulo nanaman ang mga traydor na luha. Alam kong ayaw niyang nakikitang umiiyak ako ngunit ito na ang huling pagkakataong mag aalala siya saakin.
"Paalam na Calyx. Tandaan mong minahal kita ng sobra sobra at alam kong mas higit pa ang pagmamahal mo. Hindi kita makakalimutan"
Sa pangalawang beses na ito ay muli ko nanaman siyang tinalikuran. Naririnig ko ang mga sigaw niya maging ang mga palahaw na napakasakit pakinggan.
Ngunit, lahat ng bagay ay may katapusan at kung ganito ang nakatakdang pagtatapos ng storya namin ay buong galak ko itong tatanggapin.
What I did last summer is what led me to my downfall, and I regret doing it.