8

1.2K 80 44
                                    

Can't seem to let you go

"Bitawan mo ako" malamig at walang kaemo-emosyong pakikitungo. Ibang iba sa Caroline na nakilala at minahal ko noon.

"No Caroline, you're not leaving! Not on my watch" pagbabawal ko sakanya. Hindi dahil sa ayokong pumunta siya kay Geo kundi dahil ayokong umalis siya sa tabi ko.

"For fuck's sake! Nasasaktan ako Calyx! Let me go!" Pagmamatigas pa niya at pilit na inaagaw ang braso niya mula sa pagkakakapit ko.

"Pagkatapos ano?! Iiwan mo ako? Sasama ka na ng tuluyan sa lalaki mo? Hahayaan mo lang na maiwan akong magisa dito? Ganun ba ang gusto mo ha Caroline?"

Nanghihina na ako pero pinipilit ko pading huwag siyang bitawan. Pakiramdam ko ay sa oras na pakawalan ko siya ay tuluyan na siyang aalis at hindi na babalik pa. Hindi ko gustong mangyari 'yon. Sapat na ang mga paghihirap na natatanggap ko ngayon. Hindi ko na kakayanin kung tuluyan pa siyang aalis. Hindi ko hahayaang mangyari ang kinatatakutan ko.

"Caroline hindi pa ba sapat na niloko niyo ako? Gumawa kayo ng mga hindi tamang bagay sa likod ko? Hindi ka pa ba kuntento dun?! Parang awa naman Caroline. 'Wag mo akong iwanan. Handa akong patawarin ka, kalimutan lahat ng nangyari huwag ka lang aalis"

Sa mga oras na ito ay kinaiinisan ko na ng sobra ang sarili ko. Alam kong kaawa awa na ako sa mga mata niya pero kung awa na lang ang tanging paraan para manatili siya ay handa akong tanggapin 'yon. Kung awa na lamang ang nararamdaman niya saakin tatanggapin ko ang lahat. Basta galing sakanya. Basta't galing sa minamahal ko.

"Calyx you're pathetic–"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinayaan ko nang makita ni Caroline ang kahinaan sa likod ng pigura ko. Malakas na pagtangis at halos mabasa na ang suot kong damit dahil sa mga luhang dumadaloy mula sa mga mata ko.

"Damn Caroline I know! Alam kong pathetic ako. Anong magagawa ko? Ito ang naging epekto mo saakin. Kasalanan ko ba 'to ha? Is it my fault na naging ganito ako ka-pathetic dahil sa mga natatanggap ko?"

"Look Calyx sto–"

"Saan ba ako nagkamali? May pagkukulang ba ako? May hindi ba ako naibigay sayo? Ano! Sagutin mo ako kasi wala na akong naiintindihan sa puntong 'to!"

Dahil siya si Caroline, nanatili lamang siyang tahimik na nakatayo. Walang kakibo-kibo. Ni isang salita ay hindi lumabas sa bibig niya. Ngunit ang mga mata niya ay tumatagos sa kaluluwa ko. Nangungusap ang mga ito at para bang lahat ng gusto niyang sabihin ay ipinaparating niya sa pamamagitan nito.

"Caroline I know everything since the very start" di gaya kanina ay mas naging kalmado na ang pagsasalita ko ngayon. Tila ba napagod narin ang katawan ko dahil sa mga pangyayari. Gusto ko nalang magpahinga.

"Nananatili lang akong tahimik pero I know that you're doing something behind my back–"

Napansin ko ang paglabas ng mga ugat sa kamay niya pati na rin ang pagkagat niya sa ibabang parte ng kanyang mga labi. Nasasaktan ako sapagkat alam kong pinipigilan niyang umiyak. Nagsisisi na ba siya? Nasasaktan ko ba siya?

"–maliban sa nalaman ko kahapon na si Geo ang lalaking kasabwat mo lahat na ay alam ko. Matagal na akong nagtitiis sa sakit Caroline, kung aalis ka patayin mo nalang ako tutal katumbas na ng pagkamatay ko ang sakit na idudulot saakin ng pag alis mo"

Tear stains, broken hearts. The night was cold but so is she. Everything seems to be in chaos but what can I do? If our ways are meant to part like this then it'll be a painful goodbye.

"Sorry Calyx pero hindi na kita mahal"

Can't seem to hold you close









i know what you did last summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon