10

1.4K 87 41
                                    

"Calyx, ano kayang feeling na maikasal sa taong mahal mo?" Siguro nabigyang kasagutan na ngayon ang mga katanungan sa isipan mo.

Sayang nga lang dahil hindi ajo ang mapalad na nakasagot at nakapagparamdam sa'yo ng nga bagay na kumukwestiyon sa kuryosidad mo.

"You nay now kiss the bride" Siguro nakalimot ka na. Sino ba namang mag aabala pang alalahanin ang isang taong kagaya ko. Isang taong pathetic ayon nga sa'yo.

Huwag kang mag alala, kasi ako hinding hindi kita makakalimutan. Lahat ng mga alaala, lalong lalo na ang pangalan mo. Kahit kailan hindi mabubura ang mga 'yon sa isipan ko.

Pangako hindi ko na din kayo guguluhin. Alam kong masaya na kayo sa piling ng isa't isa at hanggang alam ko na magbibigay kaligayahan sa'yo ang isang bagay. Ikasisiya ko na rin 'yon. Basta ikaw, basta para sa'yo.

Pinanood ko ang unti unting paglapit ng tao sainyong dalawa. Suot suot ang magagarang damit at napakarami g palamuti na nakasabit sa katawan. Ngunit wala paring laban ang mga 'yon sa ngiting suot suot mo. Iyon na ata ang pinakamagandang bagay na naisuot mo.

Mag isa akong naiwan sa bandang dulo ng simbahan. Nakakahiyang lumapit at batiin kayo ng malapitan. Lalong lalo na at hindi niyo naman talaga ako inimbitahan. Pasensya na sa panghihimasok ha? Gusto ko lang namang makita ang lagay mo ngayon.

Ibinaba ko ang suot kong sumbrero upang matakpan ng maigi ang mukha ko. Bago ako umalis ay sumulyap ako sa huling pagkakataon.

At muling nagtagpo ang mga mata natin.

Alam kong hindi yun guni guni o panlilinlang ng mapaglarong imahinasyon ko. Alam kong alam mo na ako ito. Walang kasiguraduhan pero naniniwala akong totoo ang nararamdaman ko.

It was a wave of déjà vu right before my eyes.

The kind of déjà vu that I want and hate at the same time.

"Calyx?" Maayos na sana ang lahat pero bakit biglang gumuho lahat ng pinaghirapan ko nang bigla mong banggitin ang pangalan ko?

Kung noon ay tila melodiya sa tenga sa tuwing tinatawag mo ako bakit ngayon ay para na lamang itong lason na idinudura mo.

Muling nanumbalik lahat ng sakit at paghihirap na kinikimkim ko sa loob ng matagal na panahon. Bakit mo kailangang gawin 'to Caroline? Bakit pinapahirapan mo nanaman ako?

"Calyx alam kong ikaw 'yan" Naroroon nanaman ang mga nagbabadyang luha sa dati nilang kinalalagyan. Ang malakas na pagtibok ng puso, ang paninikip ng dibdib. Ang mga salitang nais kumawala pero pilit kong pinipigilan.

Pinili kong lumayo. Maglakad paalis. Ito naman talaga ang dapat kong gawin noong una pa lamang hindi ba?  Huwag mo na akong sundan parang awa.

"Calyx ano ba! Kausapin mo ako!" Dati nang nasira ang pagkatao ko dahil sa'yo, hahayaan ko pa bang mabasag na muli ang tanging bagay na pinanghahawakan ko ngayon?

Tama na Caroline. Maawa ka sakin. Maawa ka sa sarili mo.

"Calyx teka!" Huwag mo na akong pigilan dahil kailangan ko nang lumayo. Lumayo sa'yo, sa problema, sa relasyon, sa hinanakit–

"TUMABI KAYO SA DAAN!"

–pati na rin siguro sa buhay

"Kuya why are you crying?" Naramdaman ko ang paglapat ng dalawang maliliit na kamay sa pisngi ko. Iniangat ko ang aking tingin at ngumiti nang makita ko ang pigura ni Cleo sa harap ko.

April 4, napakatagal na rin pala.

Lumipas na ang maraming taon pero hanggang ngayon sariwa parin saakin ang lahat.

"May naalala lang ako Cleo. Mauna ka na sa sasakyan susunod ako" Inalalayan ko ang sarili ko patayo at pinagpag ang narumihang parte ng pantalon ko.

"Summer keeps on reminding me the things about you. From the simple details to those destructive one. I can never get away from you. Napakagaling lang dahil kahit na wala ka na talaga ay walang kahirap hirap mo pading pinagwawala ang puso ko"

"Hindi parin nakakalabas sa institution si Geo. Hindi niya kinaya ang pagkawala mo at hanggang ngayon ay sinisisi niya parin ako. He's gone crazy because of you, I hope na maging maayos na din siya balang araw"

"Caroline, palagi mo namang naririnig saakin 'to. Pero Caroline, sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon"

"Bantayan mo lang ako lagi ha? Kahit pa matagal nang tapos ang namamagitan saating dalawa. Bantayan mo lang ako lagi, please"

Marahan kong pinunasan ang lapida kung saan nakikita kong nakaukit ang isa sa nga pinakamagandang kataga sa buong talambuhay ko.

"This is much more worst than what you did last summer don't you think? But don't worry. I have already forgiven you"

"I love you Caroline, I will always do"






i know what you did last summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon