I know what you did last summer
♂
"Anong sinasabi mong hindi papasok si Geo ngayon? Hangover? Hindi pupwede 'yon. May project kaming aayusin! Pumasok siya sabihin mo!" Padabog kong ibinaba ang hawak kong phone at ginulo ang buhok ko.
Dumukdok ako sa ibabaw ng kumpol ng napakaraming papel. Napakasakit na ng ulo ko pero hindi ko naman pwedeng iwanan nalang 'to dito.
Idagdag mo pa ang nangyayari ngayon sa pagitan namin ni Caroline. Kung iisipin ay sobra sobra na ang natatanggap ko ngayon. May ilalala pa ba 'to.
"Fuck this life" singhal ko at sinubukang tawagan si Geo. Simula pa kanina ay sinusubukan ko na siyang tawagan ngunit ni-isang response ay wala akong nakukuha.
Isa pa 'tong lalaki na 'to. Noong isang araw pang pawala wala. Siya na nga lang 'tong maaasahan kong tulungan ako siya pa ang hindi makita. Sa pagkakatanda ko, huli kaming nagkita noong naisipan kong uminom.
Darating naman na siguro mamaya 'yon. Mabuti pang ngayon palang ilagay ko na 'tong mga papeles na kailangan niyang pirmahan.
Pagkalapag ko ng mga papel ay dumako ang tingin ko sa maliit na larawang nakaipit sa isa sa mga folders ni Geo.
Kung tutuusin ay bawal na at hindi maganda ang bagay na nasa utak ko ngayon ngunit hindi ko maiwasang maintriga sa mumunting bagay na ito. Mayroong nagtutulak saakin na hilain ito at tignan kung ano bang nilalaman nito.
"Caroline? Kailan pa nagkakilala si Caroline at Ge–"
"Geo iuwi mo na ako, baka hinahanap na ako ng boyfriend ko"
It all makes sense now.
"Akala ko ba tapos na yung mga gagawin natin nung isang araw pa? Ang sakit pa ng ulo ko Calyx nam– Calyx?" Kababuyan. Kataksilan. Labis akong nadismaya. Pakiramdam ko ay sinira ang buong pagkatao ko.
Gusto kong magwala, gusto kong manakit, gusto kong pumatay pero bakit hindi ko magawa.
"Geo look–" bago pa man siya makapagsalita ay dumapo na ang kamao ko sa mukha niya. Hindi ko ito tinapos riro sapagkat hinablot ko rin ang kwelyo niya at marahas siyang hinampas sa pader.
Nagsidatingan at nagkumpulan ang mga kasamahan namin ngunit masyadong nakatuon ang sarili ko sa paglalabas ng galit sa isang taong hindi ko inaasahang traydurin ako.
"Putangina mo Geo. Ang ayos ng pakikitungo ko sa'yo pagkatapos ganito ang igaganti mo sakin?"
Napakaraming kamay na ang umaawat at humihila saakin palayo ngunit masyado na akong nilalamon ng galit kaya't hindi ko na alam ang mga ginagawa ko.
"Calyx hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto na mangyari 'tong ganito. Si Caroline, siya ang hum–" isang malakas na suntok sa pisngi ang natanggap niyang muli galing saakin.
Isang suntok na puno ng galit at hinagpis. Isang suntok kung saan ibinuhos ko lahat ng emosyong nadarama ko ngayon.
"Calyx ano ba! Anong ginagawa mo kay Geo" at isang sampal sa katotohanan na isang malaking hadlang na lamang ang ganap ko sa relasyong ito.
"Caroline 'wag ka nang sumingit away namin 'to. Hayaan mong kami lang ang mainvolve dito"
"Tapos hahayaan kong saktan ka niya? That's bullshit Geo. Pure bullshit"
Bakit sa sarili kong kwento ay ako pa ang nagmukhang kontrabida? Bakit naging ganito? Bakit sila pa?
Bakit sa kabila ng lahat ako parin ang naiiwang kawawa at nagdudusa. Bakit?
Just lied to me there's no other