The picture's on her phone
♂
"Caroline may tumatawag sa phone mo sasagutin ko n–" bago ko pa man mapulot ang cellphone niya ay agad niya na itong hinablot at tumakbo palabas ng bahay.Tanging nahagilap ko lamang ay ang litrato sa caller id kung na naging dahilan para mabasag ng tuluyan ang puso ko
Litrato niya at ng isang lalaki habang naghahalikan at kitang kita ang saya nila sa piling ng bawat isa.
Ngumiti ako ng mapait at pinagmasdan ang picture naming dalawa na nagsisilbing home screen ng phone ko. Dalawang buwan na ang lumipas nang kuhanin namin ang litratong ito ngunit hanggang ngayon ay labis na pagpapahalaga parin ang ginagawa ko rito.
Di gaya noon ay wala nang lumalabas na luha sa mga mata ko dahil masyado na itong nasanay.
Nasanay na sa mga bagay na nakikita nito at nagiging dahilan ng mga sakit na nararamdaman ko.
Alam kong iniisip niya na naghihinala na ako sa mga bagay na ginagawa niya. Ngunit alam ko rin na kahit ano pa ang gawin ko sa huli ay aalis din siya sa tabi ko.
Mas mabuti na nga talagang mag bulag-bulagan ako kaysa maiwan.
I'm not coming home
♀
"Ganun ba? O sige magkita nalang tayo mamaya ha? Oo hindi kasi alam ni Calyx na aalis ako ngayon. O sige bye loveyou" madalian kong ibinaba ang telepono at lumingon sa pinupwestuhan ni Calyx. Kalmado lamang siyang nanonood sa tv kaya't medyo gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.
Dahan dahan akong naglakad pabalik sa tinutuluyan namin at tumabi ka Calyx na parang may sariling mundo.
"Calyx you okay?" Tanong ko sakanya kaya naman nanumbalik siya sa wisyo at tumingin sakin na puno ng pagmamahal.
Sadly, I can't reciprocate whatever feelings he have for me now.
"Oo, medyo lumipad lang sa malayo imaginations ko. Sino pala yung tumawag sayo" Kung kanina'y kampante na ako sa mga nangyari, ngayon ay nakaramdam nanaman ako ng kaba at pagsisisi.
"Uhm, kaibigan ko. Inaaya kasi akong mamasyal. Actually magpapaalam nga ako sayo ngayon eh, papayagan mo naman ako diba?"
Taimtim akong naghintay sa pagpayag niya, nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata niya. Marahan siyang tumango simbolo ng pagpayag niya kaya't agaran ko siyang niyakapnat masayang naglulukso papunta sa kwarto para magbihis.
Sa kalagitnaan ng paglalagay ng kolorete sa mukha ay mag nagtulak saaking tignan kung ano ang petsa ngayon.
November 11
♀♂
"Anniversary namin ngayon/Anniversary natin ngayon"