Chapter 17 - Princess

74.9K 1.4K 30
                                    

Khiara's POV

"Red pano mo nalaman yun?" *gulps* nanginginig ako, pano niya yun nalaman? Impossible na si Cyrus nagsabi, impossible ding si Zhane?

"Nung nasa Japan ako nakita ko yung picture nung Death Rose, ewan ko pero ikaw talaga yung nakikita ko sa picture ehh" he tried to sound casual pero he knows me too well, narecognize niya ako beyond all tha makeup

"Tsk, wala nang matagong sikreto sayo, Red wag mo yung sabihin kayna mama at papa ha!!" eto lang naman issue ko dahil for sure, if malalaman nila na involved ako sa ganitong bagay baka kung anong gawin nila para masure na safe ako, kahit na I've been safe all these years despite being a gangster.

"Of course, Baby"

"Pero paano mo nakuha yung picture ko, don't tell me gangster ka?" pang-uusisa ko

"Oo alam mo ba yung Red Dragons sa Japan?" a smirk forming on his lips

"Hindi natural, nasa Pilipinas ako anong pake ko sa mga gang sa ibang bansa?" minsan talaga nakakastress paligoy ligoy nito ni Red eh

"Oo na...." uh-oh naasar yata sakin...

"Ikaw ba leader ng gang na yun?" kutob lang naman, but if he really is, then wow

Tumango sakin si Red, andun pa din ang kauting ngiti tho.

"Galit ka?" alam ko namang di ako matitiis nito ni Red, onting pacute lang yan

"Hindi na, to joke lang yun" 

Last time kasi na nagalit sakin si Red 2 weeks ako inisnob, kaya 2 weeks ako nagpajahirap para patawarin niya ako kasi binuhusan ko yung painting niya, tapos sabi ko ang panget nung painting. Nalaman ko na lang ako pala yung babae sa painting 1 month niya rin yun ginawa. Para sa isang 6 yr. old maganda na yung ginawa niya.

Nagriring cellphone ko, huh, si Zhane.

"Ano ba?!" asar muna kunwari ako kay Zhane, sa pastunts na ginagawa niya kanina sa labas kokonsyensyahin ko muna siya

"Wahh galit sakin si Death?! Bakit?" pagdadrama ni Zhane

"Night ano may laban ba?"  ginagamit niya lang naman yung codename kapag involved ang gang, so this has to be one of those times

"Yeah, may dumating na bagong gang, ikaw daw ang nirerequest ng leader, bakit laging ikaw? Bakit hindi pwedeng ako?!" eto nanaman tayo sa pagdadrama niya, ganito ba talaga pag nirereject ng crush matindi magdrama

"Ahaahah ako daw kasi ang Number 1"  dumila pa ako hindi naman ako kita ni Zhane

"Haixt sige bilisan mo kundi ako mag susub sayo" lagi niyang sinasabi yan pero di niya naman ginagawa, ano yon, madrama na may commitment issues pa? Minsan feeling ko mas malaki problema ni Zhane sakin e.

"Ok"

Nag-unat ako saglit tumigil na pala yung signal no. 3 na ulan? Pak ang bilis. Itong mga biglaang matches good way para makabawas ng stress, bukod sa nalalabas ko aggression sa system ko magandang way of exercise na din siya. Andun pa din ang risk na may masaktan (parang pag-ibig lang) pero dito bigyan mo lang ng time mabilis maghihilom sugat, kaysa sa broken heart.

"Red sama ka sa laban ko?" first time niya lang ako makikita if ever

"Hmm, sige" hindi naman siguro siya sisingit sa gitna ng laban ko no?

 Umakyat ako art nagbihis, outfit no. 1 na lang isusuot ko. (Readers sino nakaka-alala kung ang outfit no. 1 ni Khiara?) Pagbaba ko si Red naka black na shirt na may Red jacket sa likod may dragon tapos naka jeans tapos may chains na nakalawit may baon siyang ganun na damit? Ready talaga?

"Halika na?" tumango lang si Red at naglakad na kami papunta sa tabing ilog, pinakita ko kay Red yung secret na daanan namin  ni Zhane.

*sigh* hmm? bakit kaya  nagbuntong-hiniga si Red

"May problema ka ba?" kanina pa tahimik to ehh

"Wala, medyo inaantok lang ako" pumilit pa din siya ng isang ngiti

 Ngumiti na lang ako, after ilang minutes nakarating na kami sa battle grounds.

"Hoy ikaw, ikaw daw ba yung tinatawag na Death Rose?" tanong nung isang maskuladong lalaki

"Ako nga bakit? Ikaw ba ang kalaban ko?" walang patumpik tumpik mukhang gusto talaga nito ng laban agad

"Hindi, si Princess ang makakalaban mo"

Tumango ako at nagpunta kayna Zhane, si Red nasa tabi ko lang........

"Wahh ang gwapo ni Red!!!" ayun nagsisimula nanaman po ang kalandian ni Zhane, kitang may complicated arrangement kami ni Red pero napipigilan ba siya para humarot? Hindi.

"Uy diba siya yung sa Red Dragons?"

"Anla oo nga no?! Ano ginagawa nyan dito sa Pilipinas? Diba sa Japan ang gang nila?"

Pati ba naman gangsters mga chismoso na?! Nakaka-asar na lagi na lang may bulungan pero rinig namin!! Ako lang ba hindi aware sa gangs sa ibang bansa, ang focus ko lang ay dito saamin kaya ko ni minsan nadiscover na nasa gang din si Red.

"Hi ikaw po ba si Death Rose?" isang cute nagirl ang lumapit saakin, kasing tangkad lang ata siya ni Pinky pero mas maamo ang mukha niya

"Uhh, yeah? ANdito ka ba para magpaicture or magpa autograph?" biro kong sabi in case lang na inosente siyang nagtatanong.

"Uhh, no po, ako po yung makakalaban niyo, ako si Princess" wahh ang cute niya hindi ko kayang labanan ang cute na girl na gaya nito?!!!

"ha? Ahh.. eh,,,,,,,, ahh ok" shetness hindi ko kaya ayoko lumaban sa isang barbie doll!! Hindi kaya ng konsensya ko mambugbog ng cute na babae! Si Pinky walang pigil pigil kasi masama ugali niya pero eto? Hindi ko sila kilala kaya hindi ko alam paano sila lumaban, pero syempre iuuphold ko dignidad ng gang namin.

"Night, ayoko patulan yan" bulong ko, the more na tinitingnan ko si Princess parang mas nagdodoubt ako dahil she literally looks like a child.

"Bahala ka, either do it or don't, dahil for the first time in gangster history magkakaron ng talo ang undefeated Death Rose" bulong niya din.....

  Oh no mukhang magkakaron na ako ng talo nito !!!

==================================================

-eyysarmi


THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon