Chapter 8 - Disaster or Dream Date Part 2

112K 2.2K 113
                                    

Khiara's POV

Ano ba yan pagala-gala lang kami ehh!

"Cyrus hindi ba tayo sasakay sa rides or maglalaro or kahit na ano? Nagkalintos na yata paa ko kakalakad natin ehh!" pero atleast kumain na kame kanina

"Masakit na paa mo?" tanong niya

"Kakasabi ko nga lang diba?" umirap ako kahit hindi ako sigurado na nakatingin siya saakin. Ang kulit naman kasi e.

 May kinapa siya sa bulsa tapos lumuhod, Omo magpopropose na ba'to?! Hala ano isasagot ko? Siguro natural hindi kasi hindi ko naman siya gusto. Ayan na lumuhod tapos.......

Bakit niya inalis sapatos ko? Ahh lalagyan lang pala ng band-aid yung may masakit na part. Kala ko magpopropose na ehh sayang! Este buti naman!

"Ayan" sabi nya

"Salamat pero bakit ka may band-aid?" tanong ko habang inadjust ko pa nang kaunti yung sapatos ko.

"Ahh, baka kasi may makalaban ako pag nasugatan ako may band-aid ako!" natatawa niyang sabi

"Baka naman Boy Scout ka hindi Gangster?" tukso ko sakanya at sinundot ko gilid niya, walang malisya ha

"Dati nung elementary Patrol Leader pa ako noon!" at nag thumbs up pa nga saakin

"Kaw na" sabi ko pero natatawa din ako, hindi naman pala ganun kasama si Cyrus.
 

Tapos hinigit ako papunta dun sa haunted house. HALALALA. Ito na ba ang katapusan ko?

"Huy Khiara halika na!!" sabi ni Cyrus

"Ayoko jan!!"

"Bakit?" pero ngumingiti na siya

"Nakakatakot ehh!!!" pagkasabing pagkasabi ko non lalo sumama ngiti neto, nako mukhang pipilitin pa ako.

 
O sige gangster ako na takot sa dilim, pag si Khiara ako feeling ko ang weak weak ko, tapos pag ako si Death Rose parang wala akong kinatatakutan. Yun yung feeling ko kaya I love being a gangster. Pero dahil Khiara mode ako ngayon bumabalik lahat ng takot ko!! Atsaka kapag multo pano mo naman bubugbugin yun diba? Kapag tao alam mo gagawin mo para makaalis ka ng ligtas, kung multo hindi mo alam ano gagawin mo. Nakakatakot ang mga bagay na hindi mo alam diba?

"Ayoko jan nakakatakot!!!" giit ko

Ngumiti lang si Cyrus saken.

"Ngiti ngti ka pa jan?" tanong ko

"Wag ka na matakot kasama mo naman ako ehh"

"The thought na ikaw yung kasama ko, mas lalo ako natatakot!!" 

Nagulat ako nung niyakap niya ako.

"Seryoso ako Khiara kapag ako kasama mo, walang makakapanakit sayo, kasi dadaan muna sila sakin. At kapag may nanakit sayo humanda lang sila wala akong kakaawaan"

Sa sinabi niyang yun nadama ko yung sincerity tsaka feeling ko safe na safe ako sa piling niya.

"Lika na!!" sabi niya uli

"Pag namatay ako sa takot mumultihin kita!!" sabi ko

"Pag namatay ka..................."

 Ano nanaman may speech speech pa ehh, papasok ba tayo o hindi?! 

"Susundan kita" sabi ni Cyrus at ngumiti, isa siguro to sa mga rehearsed pick-up lines niya. Medyo effective eh.

"Sige bahala ka"

 Hindi nagsink in sa utak ko yung sweet na sinabi niya. Sa loob shet ang dilim baka may humawak sa paa ko!! Kung nakikita ako ni Zhane pagtatawanan ako ng loka na yun.

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon