Chapter 27 - Secrets

71.4K 1.3K 82
                                    


========================================================

Khiara's POV

Pagka akyat na pagka akyat ko humiga muna ako para ikalma ang puso ko.  Basically second kiss palang namin yon.  Minsan hindi ko maintindihan kung bakit napaka reckless ko sa ganitong bagay, basta bigla bigla ko nalang nakikiss si Red kapag natutuwa ako. Sa Japan pilit ko pinipigil dahil wala ako iba tatakbuhan na lugar pero dito sa Pilipinas pwede ako pumunta kayna Zhane ganun, tago tago lang.

Pumasok si Red sa kwarto ko, umupo sa gilid ng kama.

"Ayos ka Baby?" tanong niya

"Hmm, hindi masama pakiramdam ko eh parang mainit ako" pagisisnungaling ko

Ang totoo niyang namumula lang ako sa kilig, pero hindi na kailangan malaman ni Red yun. Humarap ako sa kanya pero nakataklob yung unan hanggang kalahati ng mukha ko. Umusod si Red palapit sakin para akapin ako, isang routine na kinasanayan namin s Japan. Paraan para makatulong sa insomnia ko, yung rhythmic na paghinga ni Red nagsisilbing pang hele sakin. I'm not gonna lie, I like it when we do this, I feel safe and secure. 

Siguro ilang minuto palang ang lumipas nang mapamulat ako, hinihimas padin ni Red ulo ko habang nakatingin sa mukha ko.

"Baby, kainin mo naman luto kong cake. Uubusin ata ni Zhane yun eh para sayo yun. Gusto mo yun, iba nakinabang sa regalo ko sayo?" natatawa niyang tanong

Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya yung tungkol kay Cyrus. Now's the perfect time to tell him.

"Red" panimula ko, sasabihin ko ba o isisikreto ko lang
"Yes, Baby?"

Hindi ko kaya magsinungaling kay Red. Kailangan ko sabihin sa kanya, kaya kami umuwi ng Pilipinas para maresolba itong problema.

"Nakita namin si Cyrus kanina" panimula ko

"Hmm, tapos?"

"May hawak siyang roses tapos biglang kilala niya na ulit ako, nalilito na ako" pag amin ko

Ganun padin scenario namin, si Red nakikinig sa problema ko sa lovelife, pero kahit na lumalaban din siya para sa puso ko napaka bait niya at pinapakinggan ako. Hindi nagagalit, pilit ako iniitindi lagi.

"Sa totoo lang Baby, ayoko siya siraan, pero ang sama lang kasi na hindi ka niya pansinin tapos sa sunod na araw biglang mahal ka niya ulit. Mixed signals masyado, alam mo, akin ka nalang kasi, wala nang ganun ganun pa, basta mahal kita, period" pagbibiro ni Red, pero ramdam ko na hindi din siya nagbibiro

"Kain ka na lang kaya muna ng cake? tingnan natin kung hindi pa ubos?" tumayo si Red at iniabot kamay niya para kunin ko.

"Sige, tara"

Pagkababa namin buti naman at isang slice palang nakakain ni Zhane.

"Aba, at nagpakita na sila" pabirong sabi ni Zhane habang tintingnan ang cake, gusto niya siguro ng pangalawang slice

"Hindi ka na food posion?" tanong ni Red

"Bakit??? May lason ba to?" nag aalalang tanong ni Zhane

"Syempre wala haha" tawa ni Red at lalo lang nag pout si Zhane

"Baka pwede ako mag take home, medyo ok na yung design pero masarap siya" patuloy si Zhane magsalita habang sinasagot niya ang tumutunog niyang phone

Ikunuha ako ni Red ng plato ko, hindi ko na masyado pinakinggan si Zhane dahil baka kung sino lang naman. Nagulat ako nang bigla napatayo si Zhane at dinampot ang gamit niya.

"Sorry guys, uhh need ko lang umalis na agad" 

"Teka hindi pa kita napapabaunan ng..." at nakalabas na si Zhane bago ko pa matapos, "slice ng cake" tiningnan ko yung natirang cake, tatabihan ko nalang si Zhane ng dalawang slice

"Ano kaya problema niya?" tanong ko

"You haven't heard? Nagbabankrupt na family nila, what's keeping them afloat is yung sweldo ni Zhane sa mga sidelines niya sa art industry"

Hindi ko alam yun, bakit hindi namention ni Zhane? I can't help but feel like may mali.

                                              

=========================================

-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon