==========================================================
Khiara's POV
"Red paano yun nalaman ni Princess?" gusto ko umiyak kaso walang nalabas na luha sa mata ko ehh
"Hindi ko rin alam Khiara san mo gusto pumunta? gusto mo ba mag mall muna or anything para hindi ka mastress?" tanong ni Red habang nagmamaneho
"Kayna Zhane nalang pwede na ako" kailangan ko siya tanungin kungano nangyari sa laban nila.
Hindi na kami nag-usap pagkatapos nun, tapos dumiretso kayna Zhane.
"Mam sorry po, si Mam Zhane po kasi wala sa bahay ngayon eh" sabi ni Aling Juaning
"Aling Juaning wag na kayo magpalusot, bukas yung bintana ng kwarto ni Zhane, nagbubukas lang yun ng bintana kapag depressed, tsaka ginawa niya na ang style na ito sakin, sanay na ako"
Hindi na ako maloloko ni Zhane, ganyan din yung ginawa niya sakin nung nag-away kami sa gang. Sinabi ko na naman sainyo na madrama yang si Zhane, mahilig yan tumingin sa labas ng bintana habang nagpapatugtog ng senti na kanta kapag nalulungkot siya or problemado.
"Sige na po, Ate Juaning hayaan niyo na si Khiara" P
Bumababa ng hagdan si Zhane, may eyebags at namumugto ang mata, mukhang kagabi pa naiyak. Agad-agad akong tumakbo palapit kay Zhane, kung ano man nangyari alam kong ang kaisa isang bagay na hindi gagawin ni Zhane ay traydurin ako.
"Zhane ayos ka lang?! May masakit ba sayo? Ano nangyari?!" natataranta kong tanong
"Khi..ara...... sorry...." tapos yumakap siya sakin at umiyak
"Zhane ano ba problema mo sabihin mo sakin, atsaka ano nangyare kahapon?" nag aalala kong tanong
Tumigil muna siya sa pag-iyalk at humarap sakin.
"Dun muna tayo sa garden walang tao doon" yaya niya sakin
Kami ni Red sumunod na lang muna sa kanya. Pagdating namin sa garden.
"O Zhane ano ba kasi yun?"
Huminga siya ng malalim.
"Natalo ako kay Princess......" nakayuko niyang sabi
"Ok lang yun Zhane, yun lang naman pala ehh, ok lang yan 2nd loss mo pa lang ito" pagcocomfort ko
"Khiara bilang kapalit, hindi sila nanghingi ng pera o binugbog ako, yung hiningi nila yung cellphone ko" naiiyak nanaman boses ni Zhane, nakatungo siya pero ramdam kong umiiyak na ulit siya
"Cellphone mo? Bakit naman? cellphone lang yun Zhane sa yaman niyo kaya mo bumi...."
"Nandun yung memory card ko, pictures mo videos mo" tapos lalo siyang yumuko
"I.....ibig sabihin, sayo nanggaling yung mga pictures at videos ko? Kaya na-expose sa school?"
"Oo sabi niya ipagkakalat niya ang tunay mong pagkatao"
"Ibig sabihin alam na niyang fake ako at may motibo talaga siya?"
"Oo, naaalala mo pa ba si Princess Francheska Mendell?" tanong ni Zhane
"Hindi sino ba yun?" familiar yung name niya hindi ko lang ma-recall
"Khiara siya yung anak nung pamilyang pinapatay ni Kuya Wayne"
Si Wayne yung leader ng Raven Squad, yun ang unang gang na sinalihan ko, tapos pinapatay niya ang Mendell family hindi rin namin alam kung bakit, tapos napag-alaman namiin na nakatakas ang pinaka batang anak, sabi ng mga tauhan ni Kuya Wayne napatay na daw, pero mukhang hindi pa.Bago siya naging involved sa gangs alam namin may sketchy na past si Kuya Wayne pero dahil sumali siya sa gang para magbagong buhay hindi na namin inusisa.
BINABASA MO ANG
THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!
RomancePanget, mahina, walang dulot sa school kundi isang taong kinokopyahan lang. Little did you know kaya ka nito sipain hanggang China HA! What if ang secret identity mabuking ng mortal enemy niya? Love is unexpected. Be warned.