-3-

31 3 0
                                    

"Ui. Ren, magkwento ka naman sa akin. Kayo na ba ni Sion?? Ha? Ayee~", kanina pa ako kinukulit ni Jes tungkol kay Sion, at ilang beses ko na din sinabi  sa kanya na magkaibigan lang kami pero mukhang hindi nya ako titigilan.

"ui, Ren. Dali na kasi.. Bahala ka hindi kita titigilan. Ayaw mo ba sa kanya? Ang gwapo nya kaya, kung nauna ko lang syang nakilala kesa kay Jep malamang kami na", natatawa nyang sabi sa akin.

Hindi na ako nakapagpigil at inakbayan ko sya ng sobrang higpit na para bang sinsakal ko  na sya, kinurot ko din yung pisngi nya, nako sobrang cute nya talaga kaya gustong-gusto sya ni kuya eh.

"Ikaw ha. namumuro ka na sa akin. Magkaibigan lang kami ni Sion okay? Tsaka kailan lang kami nagkakilala kami na agad?", pinipisil ko pa rin yung pisngi nya.

"Ayee! ibig sabihin gusto mo din sya no??? Nako byebye grade 3 crush na talaga", kinurot ko na sya sa  magkabilaang pisngi nya, nako sbrang kulit talaga. Nagtawanan lang kami. Papasok na kami sa building ng may tumawag sa akin.

"REN! REN!", tumingin kaming pareho sa pinanggalingan ng boses  at nakita namin si Sion na tumatakbo papunta sa amin.

Kinawayan ko sya at nginitian, sinundot naman ako ni Jes sa tagiliran kaya agad kong binaba yung kamay ko. Nakajersey uniform sya ngayon, at bagay na bagay sa kanya, mas lalong nakikita yung almost perfect na form ng mga muscles nya, medyo may kaputian sya at matangkad nga talaga sya. In short, gwapo talaga sya at kahit sinong babae maiinlove  sa kanya. *Shake head* Nako. Erase.

"Hello, Ren. Hello Jes", ngumiti sya at nakita ko na namang yung dimples nyang parang pusa, bagay na bagay talaga sa kanya. Nginitian ko na naman sya.

"Uhmm, Ren mauna na ako ha, klase ko na kasi. Iwan ko na kayo, bye!", kumaripas na ng takbo tong si Jes at may pahabol pang sundot sa tagiliran ko.

"Papasok ka na ba?", tanong nya sa akin, nakangiti pa rin sya.

"Ah. Oo eh. May game ba kayo ngayon?"

"Oo eh. Nood ka ah kung may time ka"

"Sige susubukan ko", nginitian ko sya.

"SION! GAME NA, MAMAYA NA YAN!", narinig naming sigaw nung mga kateam ni Sion, humarap sya sa kanila.

"OO. PAPUNTA NA", humarap ulit sya sa akin ng nakangiti.

"Sige na. Goodluck. Bye", nagbye na ako sa kanya.

"Sige. Bye. Ingat ka ha", tumakbo na sya pabalik sa kanila, nung makarating na sya dun eh humarap ulit sya sakin at kumaway, napangiti naman ako dahil inakbayan ulit sya nung mga kateam nya, siguro talagang napakabait ni Sion kaya malapit sya sa mga kaibigan nya. Pinagmasdan ko lang silang lumakad papunta sa gym. At sa hindi ko maintindihan bakit para hindi pa rin ako umaalis. Haha. Nakakatawa naman. Tumalikod na ako at agad naglakad papunta sa room.

^^^^^

Hay. Napakabagot naman nitong klaseng to, ang tagal naman magdiscuss ni prof, halos lahat kami inaantok na. Pero mas naiirita ako dahil mukhang hindi na ako makakahabol sa game nina Sion, hindi naman ako nagpromise pero feeling ko kailangan ko syang suportahan, tutal kaibigan ko naman sya.

Patapos na ang time, pero may pinahabol pang seatwork si prof, nagreklamo kami pero no effect. Kaya no choice.

5 minutes nalang magtime na ng biglang may pumasok sa classroom namin, lahat kami napatingin sa kanya, mukhang bagong estudyante.

"Goodmorning sir", bati nya kay sir.

"Uh. Are you Mr. Ordinante?", tanong  ni sir habang nakahawak pa rin ng libro sa kanang kamay at marker sa kaliwang kamay.

Innocent AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon