-7-

29 3 0
                                    

"Oy Ren. Bakit anong nangyari dyan sa binti mo?", tanong sa akin ni Jes habang kumakain dito sa canteen, nagkatagpo kasi kami kanina buti nalang at pareho naming vacant ngayon. 

"Ah. Aksidente dun sa site nina papa, pero okay naman na kahit papaano", sagot ko sa kanya sabay tingin dun sa binti kong madaming plaster sabay inom na din sa soda ko.

"Nako. Hindi ka kasi nag-iingat eh yan tuloy nagasgasan yang magandang binti mo . . Uhmmm teka nga, pansin ko lang, bakit parang nangangayayat ka? Ilang araw lang tayong hindi nagkasama ganyan ka na, hindi ka ba kumakain?", tinitignan ako ni Jes mula ulo hanggang paa, pati side by side.

"Hindi naman ah. Ganito pa rin ako, namamalikmata ka lang", sagot ko naman sa kanya. Hindi ko naman kasi mafeel na pumayat ako eh, sa pagkakaalam ko e payat naman na ako dati pa, ano pa bang iba no. Nako.

"Hindi kaya. Nako. Kumain ka nga dyan Ren. Ano bang gusto mo? Ibibili kita kahit anong gusto mo, dali na", nakakatawa naman tong si Jes, kung ano-ano ang naiisip. Hinawakan ko sya sa noo, kinapa-kapa ko kung nilalagnat ba sya.

"Ano ka ba Ren. Wala akong sakit, concern lang  ako sayo no. Namiss kasi kita eh", napayakap naman sya sa akin, haaay. Namiss ko tong si Jes kaya yumakap naman ako sa  kanya. Naging busy kasi talaga kaming dalawa eh. Sana nga matapos na ang schoolyear na to, ay, wag pala kasi mas hihirap na naman pag 4th year na. Haay. Dibale unting tiis nalang. Think positive.

"Ui. Ren, team ni Sion yun diba?", sabi ni Jes habang magkayakap kami kaya napabitaw kami sa pagkakayakap at tumingin ako dun sa tinuturo ni Jes. Nakita ko ngang team ni Sion yun, tinitignan ko kung nandun si Sion, at oo nga, nandoon sya. Pero parang may iba ata.

"Puntahan mo na kaya Ren. Dali na", tinutulak-tulak ako ni Jes pero parang nahihiya naman ako kasi mamaya hindi maganda ang kalabasan nun, lalo na at kasama nya yung mga mapang-asar nyang teammate. Tsk. At ano naman kayang sasabihin ko kung sakaling magkaharap na kami.

Pero sige na nga, wala naman sigurong mawawala kung kakausapin ko sya kasi ilang araw din kaming hindi nagkita at nagkausap.

"Sige Jes, dito ka lang. Babalik ako", sabi ko kay Jes sabay tayo papunta kina Sion na papunta na din ata sa gym para sa game nila.

"Sio-", pagtawag ko sana kay Sion pero bigla-bigla silang nagsitakbuhan papunta sa gym. Nakasimangot ba ako? Siguro nga. Haay.

"Oh. Anong nangyari?", tanong ni Jes pagkarating nya sa may side ko dala na yung mga gamit namin. Nakasimangot pa rin ba ako? Oo ata.

"Ah. Game na ata nila kaya nagmadali na silang pumunta sa gym", sagot ko sa kanya sabay kuha nung mga gamit ko, nakasimangot pa rin ba ako? ano ba yan. Haay.

"Eh bakit parang pasan mo ang mundo ngayon dyan sa itsura mo?", sabi sa akin ni Jes habang nakatingin sa akin.

"Ha? Hindi naman ah. Sige maiwan na kita, klase ko na eh. Kita nalang tayo mamaya, bye", paalam ko kay Jes kahit na hindi ko na hinintay yung sasabihin nya, baka kasi mahuli nya ako, nakakahiya naman.

^^^^^^

"Ren, ksisoina yung pdjfhllnc?", tanong sa akin nung class captain namin habang nakaupo sa may harap ko, nasa unahan ko lang kasi sya.

Pero bakit hindi ko naman maintindihan yung sinasabe nya sa akin, ang weird naman.

"Ren? Ayos ka lang ba?", napalingon naman ako sa kanya ng iwave nya yung kamay nya sa tapat ng mukha ko.

"Ah? Eh! Oo, ano na yung tinatanong mo?"

"Sabi ko , musta na yung portfolio mo?", paglinaw nya.

"Uhmm. Okay naman, pero wala pa akong nasisimulan", sagot ko naman sa kanya habang nakatingin sa labas ng bintana. Maganda ang araw ngayon ah, musta kaya yung naging game nila Sion? Nanalo kaya sila?

Innocent AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon