-5-

32 3 0
                                    

Papel dito. Papel doon. Doon pa sa may ilalim ng kama, upuan mesa. Sa tabi ng closet hanggang dito sa doorway. Ganyan kadaming papel ang meron sa kwarto ko ngayon. Nakakailang beses ko ng sinisimulan ang portfolio ko pero wala pa rin akong natatapos kahit isa. Haay. Pumunta ako sa may mesa ko sabay lapag ng kape na kakatimpla ko lang dun sa kusina. Tulog na silang lahat, ako nalang ang pilit dumidilat dito. Hindi rin naman ako makatulog.

3am na.

Wala pa rin kong nasisimulan, sinubukan kong matulog pero wala talaga.

5am na.

Nagising na ako after ng 1 hour na tulog ko, at dahil umaga na hindi na ako natulog pa. Nagpulot nalang ako ng kalat sa kwarto ko, sa totoo lang wala akong maisip, naiisip o gustong isipin ngayon dahil nga wala akong tulog.

Bumaba na ako at nakita kong nagbabasa ng dyaryo si Papa sa sala at si mama naman naghahanda ng almusal.

"Goodmorning Pa, Ma", lumingon naman silang dalawa sa akin.

O_O Ganyan ang reaksyon nilang dalawa sa akin.

"Morning anak", lumapit si mama sa akin.

"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba nakatulog?"

"Oo nga anak. Nung paguwi ko kanina alastres nakabukas pa ang ilaw ng kwarto mo. Natulog ka ba?", tanong ni Papa sabay higop sa kape nya.

"Ah. Isang oras lang po", bumalik si Mama sa kusina at ako naman ay umupo sa sofa, sinandal ko yung ulo ko sa may upuan.

"Ang dami po kasing requirements eh"

"Eh kahit na anak pahinga ka pa rin", sabi ni mama mula sa kusina.

"Tungkol saan ba yang mga requirements mo baka matulungan kita"

"Tungkol po sa mga building designs, kailangan na daw po namin magdevelop ng sarili naming mga designs para in the future may idea na kami"

"Yun lang naman pala eh. Ipapasundo kita mamaya after ng klase mo, at pumunta sa site, ipapakita ko sayo yung site at yung mga designs na gagawin dun para magkaroon ka ng idea", natuwa naman ako sa sinabi ni papa kaya nagkaroon ako ng gana.

^^^^^^^

"Haaaay", napabuntong-hininga nalang ako habang nakaupo, lunchbreak na at wala akong ganang kumain. Kahit pa tutulungan na ako ni papa wala pa rin akong lakas kasi nga kulang ako sa tulog. Napasandal nalang tuloy ako sa upuan ko at masubukan ngang matulog.

Wala pang 1 minute biglang may kumulbit sa akin.

"Yes?", hindi ko pa rin inaangat ang ulo ko.

"Baka gusto mong kumain?", yaya nung kung sino man yun, kinulbit na naman nya ako. Dahil sa sobrang kulit inangat ko ng dahandahan yung ulo ko, medyo nagblurred yung paningin ko kaya hindi ko kaagad nakilala yung taong nasa harap ko ngayon.

Innocent AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon