-9-
A/N Bwuhahahaha :)) Enjoy guys and gals <3
"Mauubos mo ba lahat to, Ren?", tanong sa akin ni Sion habang naglilibot kami dito sa may Pista, yan yung tawag dito sa lugar na madaming kainan na kailangan mo pang dumaan sa masikip na iskinita. Haha. Nakakatawa talaga yung experience kanina, akalain mo yun ako ang nakatalo sa dalawang to na halos isang dekada ng sumusubok. Nako. Swerte nga talaga ako. Hihi. Kaya ito binigyan ako ni Mang Isko ng walong buko ng niyog, actually dapat sampu kaso naawa sya sa dalawang to kaya binigay sa kanila yung dalawa. Buhat-buhat nga nila eh, hindi naman sila nagrereklamo kasi hindi naman daw ganun kabigat.
"Haha. Oo naman, meron naman si mama at si papa na tutulong sa akin no", sagot ko naman sa kanya. Nasa may gitna nila akong dalawa.
"Nga pala Ren, overnight ata si papa at papa mo sa site ngayon ah", sabi naman ni Rap kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Talaga? Nako. Mukhang busy sila ngayon ah"
"Magkatrabaho ang papa nyong dalawa?", sabi naman ni Sion kaya napatingin naman ako sa kanya.
"OO", sabay naming sagot ni Rap.
"Aahhh", yan lang ang sagot nya.
"Ano bang trabaho ng papa mo Ren?", tanong naman ni Sion kaya napatingin ako sa kanya.
"Engineer", sagot ko.
"Magaling na engineer", dagdag naman ni Rap kaya napatingin naman ako sa kanya.
At patuloy lang silang nagpalitan ng mga tanong, kaya nagpapalitan din ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Ooops! Teka nga", pinatigil ko sila gamit ng kamay ko na hinarang sa mga mukha nila.
"Pwede bang umupo muna tayo dun at magkaharap-harap kasi nahihilo na ako sa inyong dalawa eh", sabi ko, napatawa naman silang dalawa, sinimangutan ko nalang sila tsaka sabay punta dun sa may pabilog na upuan na pwedeng iikot, kaya ito kami ngayon magkakaharap.
"Okay. GO", sabi ko naman sa kanila.
"Ang alin?", sabay nilang tanong sa akin.
"Mag-usap na kayo", mahinahong sagot ko naman pero tumawa lang silang dalawa, para akong nabingi sa mga tawa nila kasi sobrang magkablend ang boses nila. Natutulala ako sa nakikita ko ngayon, talaga bang magbestfriend lang tong dalawang to?
"Oy, Ren!", nabalik ako sa realidad ng isnap ni Sion yung fingers nya sa tapat ko.
"Uh. HA?", sagot ko naman.
"Ayos ka lang?"
"Magkakambal ba kayo?", out of nowhere na tanong ko sa kanila, napansin kong nagkatinginan lang silang dalawa sabay ngiti, napansin ko ding sumandal silang dalawa sa upuan.
"Ikaw na nga Rap magkwento sa kanya, bibili lang ako ng fishbol", sabi ni Sion sabay talon at takbo dun sa nagtitinda ng fishbol.
Napatingin naman ako kay Rap pagkadating ni Sion dun sa nagtitinda.
"Okay. Saan ba ako magsisimula. Uhmmm ", tila nag-iisip pa tong si Rap ng sasabihin nya.
"Kahit saan", sabi ko naman.
"Okay. Magkapatid talaga kami ni Sion", nachoke ako bigla.
"WHAAAAT??!"
"Hahaha. Joke lang yun. Tinitignan ko lang kung tama ang hula kong magiging reaction mo. Hehe. Chill ka lang dyan", inis ako kay Rap sa totoo lang kaso hindi ko magawang mainis sa kanya ngayon,dahil hindi naman ako ganun.
"Umayos ka", sabi ko nalang sa kanya.
"Haha. Scary", sabi nya ulit. Haaay, Rap magtino ka ngayon please.
"Ganito kasi yun, hindi naman talaga kami magkapatid ni Rap, lumaki lang kaming sabay mula noong 1 year old palang kami. Pinalaki kami ng iisang nanay, yun ay ang nanay ni Sion. Alam kong tatanungin mo kung nasaan ang mama ko, ang sagot dyan ay nasa ibang bansa sya kasama ng papa ko. May sakit kasi yung isang kapatid ko kaya nandoon sila para ipagamot yun, kaya naiwan ako dito sa Pilipinas", yung kwento ni Rap parang tinatago nya yung dapat na emosyon ng kwento, yung lungkot dapat pero pinapalitan nya yun ng unting saya at excitement.
Nagnod lang ako para ituloy nya ang kwento.
"Alam na naming dalawa simula palang na hindi talaga kami magkapatid, pero alam mo yung feeling na gusto mo syang maging kapatid na tunay, ganoon kami kaclose ni Sion. Magkapatid na ang turingan namin, pero ayaw ng mga magulang namin na ituring naming magkapatid ang isa't-isa sa kadahilanang hindi namin alam, at ayaw na naming pagusapan pa. Masaya na kami ngayon, pero nung grade 3 na kami, nagkahiwalay na kaming dalawa kasi dumating na yung mama ko, pero nalaman kong patay na yung kapatid ko. Kaya yun, mag-isa nalang ako kaya madaming nagsasabi na unico hijo daw ako pero ang hindi nila alam eh may kapatid naman talaga ako"
Napalingon ako dun sa nagtitinda ng fishbol pero wala na si Sion, hinanap ko sya sandali pero itinigil ko din agad kasi baka mapansin ni Rap itigil pa nya yung kwento.
"Kaya yun, hanggang ngayon madami ding nagsasabing magkamukha kami ni Sion eh hindi naman diba mas gwapo naman . . . "
" . ako", biglang sulpot ni Sion hawak na yung tatlong lalagyan ng fishbol.
"Akin yan Rap! Ibalik mo nga yan. Kukutusan kita", nagaagawan sila sa iisang lalagyan na may mas maraming fishbol, nakakatuwa talaga panuorin tong dalawa. Nako. Ngayong malinaw na sa akin, lumaki kasi silang dalawa kaya medyo may pagkakatulad sila. Okay. Tama na nga ang pag-iisip, kukunin ko muna yung fishbol ko para hindi maagaw ng dalawang to.
"Akin na yung sa akin!", sabay hablot ko sa kamay ni Sion yung isang lalagyan.
Habang sumusubo at pinagmamasdan yung dalawa, napaisip ako. Bakit ganun magkwento si Rap? at bakit umalis si Sion nung magkwekwento na si Rap? May iniiwasan ba silang sabihin o mangyari? Haaaay. Ano ba yan.
"Akin na to!", nakita kong tumusok si Sion sa may fishbol ko.
"Aish. Akin yan. Ibalik mo!", sigaw ko naman sa kanya, kaya ayun ang nangyari, nagtusukan kaming fishbol. Nagsihulugan yung iba yung iba naman nakain, hanggang naubos na lahat na wala man lang nakain si Sion. Hahahahahahaha. at yun para kaming baliw na tumatawa habang papalubog na yung araw.
Ano pa kayang meron sa dalawang ito? . . .
BINABASA MO ANG
Innocent Angel
Teen FictionSi Ren Estacio ay may ordinaryong buhay, ordinaryong pamilya at may medyo ordinaryong kaibigan na si Jes. Sa totoo lang simple lang tong storyang ito. Pero paano magiging iba ang lahat sa buhay ni Ren? sa pagdating ba ng lalaking magpapabago sa ordi...