"Anak, matagal pa ba yan?", tanong sa akin ni mama habang nakatayo sa gilid ko, hinihintay kasi naming magonline si kuya para makapagskype na kami.
"Ma, relax ka lang. Malapit na daw. Nagkaroon lang ng unting problema sa connection", atat kaming lahat pero mas atat naman si mama, miss na miss na daw nya kasi yung unico hijo nya.
"Nga pala ma, hindi daw makakasama si papa kasi may nirurush daw sila sa site kaya tayong dalawa lang ang makakausap ni kuya", sabi ko kay mama.
"Ah. Ganun ba. Sayang naman kung ganun dibale sabihin nalang natin sa kuya mo na nextime nalang pag hindi busy si papa . . at okay na din pala yun kasi mahaba-haba pa naman mag-usap ang mag-ama", natatawang sabi ni mama. Sabagay tama naman sya kasi pag si papa at kuya ang nagusap nako wala ng chance na makakausap din namin sya.
"Tama ka nga ma. Dapat masolo natin si kuya ngayon"
"Teka, may nakalimutan ako. May titignan lang ako saglit sa kusina", paalam ni mama kaya agad naman syang pumunta sa kusina.
"Tawagin mo ako kung meron na anak ha", pasigaw namang sabi ni mama.
"Opo", sagot ko naman.
Ilang minutes din ang nakalipas . . . .
"Oh. Ma, eto na", sigaw ko kay mama "Hello kuya", kinawayan ko si kuya.
"Musta na kayo? Miss ko na kayo dyan", sabi naman nya. Bakit parang nag-iba ang itsura ni kuya, tumanda ba sya? Hindi eh. Parang naging mature lang.
"Kuya, parang nag-iba ang itsura mo ngayon ah? Anong meron?", tanong ko sa kanya.
"Hahaha. Ikaw talaga, hindi naman. Sadyang naging busy lang kaya ganito. Ikaw, parang pumapayat ka ata ah. Musta studies?", tanong naman nya sa akin sabay inom ng kape nya ata yun.
"Eh baka naman may pinopormahan ka na dyan kuya?? Ahemm. pakilala mo naman. Hahaha"
"Oy tumigil ka ha. Wala pa no. Tsaka alam mo namang may hinihintay ako diba. Teka nga, bakit sa akin napunta ang usapan? Ikaw ang tinatanong ko diba", medyo natatawang sabi ni kuya, natawa din naman ako kasi huling-huli na sya eh. Haha
"Ok. Uhmmm ako kua? Okay naman po, kuya sobrang busy talaga sa school. as in. pero hindi naman ako nangangayayat ah. Sexy pa rin ako", natatawang sabi ko sa kanya.
"Haha. Ganun ba. Basta ingatan mo ang sarili mo dyan ha, miss na miss na kita Ren, malapit na akong umuwi", nakangiting sabi ni kuya.
"Talaga kuya? Pakibilisan ha? Hehe"
"Wag atat ah. Hmmm so, may lovelife na ba ang maganda kong kapatid?", medyo seryosong tanong naman sa akin.
"Nako kuya sa sobrang busy ko wala akong panahon para dyan"
"Weh? Hahaha. Okay basta ipakilala mo agad sa akin ha. At sana wag kang tumandang dalaga, hindi kakalat ang lahi natin nyan", natatawang sabi ni kuya.
"Oops! Ano yang naririnig kong lahi-lahi dyan", biglang sulpot ni mama sa gilid ko.
"Ma, wala yun. Osya kuya, si mama naman baka magtampururut pa pag hindi ka nya nakausap agad. Haha", biro ko kay mama. Tumayo na ako pagkatapos kong magbbye kay kuya, sabi nya usap nalang daw kami sa susunod.
Umakyat na muna ako sa room ko para mag-isip naman ng gagawin ko. Habang nakaupo sa may desk ko, naiisip ko si Sion at Rap, so magbestfriend pala sila. Pansin ko nga na sobrang close nilang dalawa, kaya siguro halos magkamukha na sila. Haha. Naalala ko tuloy yung kulitan nilang daw. Naiwan kasi si Sion sa ospital nung naospital ako, nabanggit nyang nagkaroon ng emergency sa family nila kaya kailangan nyang umabsent. Kaya pala hindi ko sya nakita ng ilang araw. Paliwanag nya din na nakita naman talaga nya ako pero sinadya nya lang na lagpasan ako para lokohin lang. Haha. Pumalpak nga daw yung plano nya kasi bigla daw akong natumba at nahilo. Nabanggit nyang alam na daw nya na classmate ko si Rap kasi nakita daw nya yung mga notes ko na hiniram ni Rap dati bago sya umalis.
BINABASA MO ANG
Innocent Angel
Teen FictionSi Ren Estacio ay may ordinaryong buhay, ordinaryong pamilya at may medyo ordinaryong kaibigan na si Jes. Sa totoo lang simple lang tong storyang ito. Pero paano magiging iba ang lahat sa buhay ni Ren? sa pagdating ba ng lalaking magpapabago sa ordi...